Pagbasa to pagsulat Flashcards
(26 cards)
Ginagawa ang pagbasa dahil kailangan
Task driven
Nagbabasa dahil interesado
Text driven
Nagbabasa dahil may layunin
Purpose driven
May kinalaman sa misinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto
Intensibong pagbasa
May kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales
Ekstensibong pagbasa
pagbabasa sa teksto ay nangangailangan ng bilis. Ito ay nakatuon sa paghahanap ng mga tiyak na impormasyon.
Iskaning
pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto.
iskiming
masasabing nararating o naranasan ang pang-unawang ito kung makagagawa ng buod, balangkas ng paghahanay ng mga kaisipan o maibibigay ang pangunahing kaisipan.
unang dimensyon - pang-unawang literal
pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda kalakip ang mga karagdagang kahulugan. Dito ang mambabasa o mag-aaral ay maaring magpahayag ng sariling palagay, magbigay ng puna o magharap ng kalutasan, pag-unawa sa mga tayutay o register ng pahayag at magbigay ng saloobin o pandama.
Ikalawang Dimensyon – (Interpretasyon)
pagkaalam sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad. Dito ang mambabasa o mag-aaral ay inaalam ang kakintalang ipinahahayag ng binasa, naghahamon sa malawak at nakikita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga diwa`t pangyayari sa katotohanan.
Ikatlong Dimensyon – Mapanuring Pagbabasa (Critical Reading)
Dito ang mambabasa o mag-aaral ay iniuugnay ang kanyang binasa sa sariling karanasan na mauuwi sa pagmumungkahi o pagtatakda ng wastong direksyon sa larangan ng buhay. Ito’y humahantong bilang daan sa pagbabago o pagtutuwid ng mga kamalian.
Ikaapat na dimensyon - Aplikasyon ng mga kaisipang nakuha sa pagbabasa (Application)
Dito ang mambabasa ay nagaganyak na lumikha o gumawa ng sariling panunulat o paglalapat ng mga kaukulang pagbabago sa binasang akda.
Ikalimang Dimensyon – paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon (pagpapahalaga) (Appreciation)
Hieroglyph
ehipto
Lohika ang tunguhin ng pagsulat
David R. Olson
Depinisyon ng pagsulat ayon kina Austero, Mangonon, et al (2002)
- Pagbibigay ng sustansya sa kahulugan sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.
- Isang proseso ng intelektwal inquiry.
- Isang malikhaing gawaing dini-develop sa papel.
- Isang pansariling pagtuklas.
Ang uring ito ay sulating pumapaksa at may kinalaman sa personal na buhay ng may gawa nito. Pinakagamiting uri ng sulatin Ang halimbawa ng personal na sulatin ay liham, talaarawan, awtobayograpi, dyornal at iba pa.
Pansariling sulatin
Saklaw ng uring ito ang mga akdang pampanitikan gaya ng tula, sanaysay, nobela, balita, anekdota, epiko, maikling kuwento, bugtong, salawikain, kawikaan, pabula,parabula, alamat, korido, awit, soneto, mito, dula, balagtasan na tumatalakay sa lipunan, at sa iba pang maaaring maging paksa.
Malikhaing Sulatin
Binigbigyan pansin ang mensaheng ipinahahatid. Pormal at maayos ang pagkakabuo. Ang mga halimbawa ay liham pangangalakal, Memo, Proposal, Adbertisment.
Transaksyunal na sulatin
Ang uring ito ay nagpapakita ng kalutasan sa isang suliranin na naging pokus ng pag-aaral. Dumaan ito sa sanyantipikal na pamamaraan at ebalwasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay panahunang papel (term paper), thesis, action research, disertasyon, clinical report, case study.
Sulating pananaliksik
Dapat makita sa sulatin ang kaisipang nais ipahatid.
kaisahan
Sa isang sulatin mahalaga na may kaugnayan o koneksyon ang bawat pangungusap, ang mga transisyonal na salita ay magagamit ng wasto upang maipakita ang lohikal ng pagkakasunud-sunod ng ideyang ibinabahagi sa mga tagapagtangkilik. Dapat maayos na maihanay ang magkakasunod na ideya.
Koherens
Malinaw at hindi maligoy ang mga pangungusap. May katiyakan sa pagpili ng mga salitang gagamitin.
kalinawan
Hindi bitin ang ginawang pagpapaliwanag sa bawat puntong binubuksan. Kalakip nito na makapagpakita sa mga mambabasa ng detalye, ebidensya o patunay sa sinasabi. Nakatutugon sa mga katanungang hinahanapan ng sagot ng mambabasa.
Kasapatan
Sumisentro ang kabuuan ng sulatin, sa pinag-uusapang paksa.
Empasis o diin