PAL MIDTERMS Flashcards
(102 cards)
“Ang Panitikan ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa lipunan, pamahalaan, kapaligiran, kapwa at Dakilang Lumikha”
Honorio Azarias
“Ang Panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan sapagkat dito masasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni ng mga tao na nasusulat o binabanggit sa maganda, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag.”
Maria Ramos
“Ang Panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kanilang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanilang kapaligiran, gayundin sa kanilang pagsusumikap na makita ang Maykapal.”
Atienza, Ramos, Salazar at Nazal, 1984
“Ang panitikan ay Isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.”
Jose Arrogante
“Ang Panitikan ay Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.”
Panganiban, 1954
“Ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag nakasulat man ito, binibigkas o kahit ipinahihiwatig lang ng aksiyon ngunit may takdang anyo o porma katulad ng ng tula, maikling kuwento , dula, nobela, at sanaysay.”
L. Santiago, 1993
Ang salitang “panitikan” ay nagmula sa salitang ____ na may unlaping _____ (na naging PAN dahil sa tuntuning pangwika na pan ang gagamitin kapag ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa d,l,r,s, at t) at hulaping ______
Titik, Pang, An
“Ang Lipunan ay isang buhay na organismo na rito nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito rin ay walang tigil na kumikilos at nagbabago.”
Emile Durkheim
“Ang Lipunan ay pinagkakikitaan ng tunggalian ng awtoridad. Ito ay bunga ng pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman para matugunan ang kanilang pangangailangan.”
Karl Marx
“Ang Lipunan ay binubuo ng tao na may magsalabid na samahan at tungkulin. Ang tao ay nauunawan at higit na nakilala ang kaniyang sarili nang dahil sa pakikisama sa iba pang mga miyembro.”
Charles Cooley
Tumutukoy sa mga taong naninirahan ng sama-sama sa isang nakaayos na komunidad na may iisang batas, kaugalian, at pagpapahalaga. Ito rin ay binubuong iba’t ibang mga samahan, korelasyon, at kultura.
Lipunan
Mga Uri ng Panitikan
Patula, Tuluyan, Patanghal
Isinusulat nang pasaknong, binibigkas nang may indayog, matalinhaga, may sukat at tugma. Maaari rin itong malaya na wala ang sukat o ano mang tugmaan.
Patula
Isinusulat nang patalata, karaniwan ang mga salita at tuloy-tuloy ang pagpapahayag.
Tuluyan
Kung ang panitikan ay itinatanghal sa entablado. Pa-iskrip ang pagkakasulat nito at binubuo ng mga tagpo at yugto. Dati itong nasasaklaw ng anyong patula noon sapagkat ang mga dula noon ay itinatanghal nang patula.
Patanghal
Mga Akdang Patula
Epiko, Awit, Korido, Balad, Balitao, Soneto, Awiting Bayan, Balagtasan, Karunungang Bayan
Isang tulang nagsasaad ng kabayanihan at kakaibang kapangyarihan ng pangunahing tauhan
Epiko
Isang uri ng tulang lalabindalawahing (12) pantig at binibigkas nang mabagal. Ang mga kaganapan ay nagmula sa danas ng isang indibidwal.
Awit
Isang uri ng tula na wawaluhing (8) pantig at binibigkas nang mabilis. Pantasya at kababalaghan ang karaniwang nilalaman nito.
Korido
Ito’y may himig awit sa dahilang ito’y inaawit habang may nagsasayaw
Balad
Isang debateng sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at lalake
Balitao
Binubuo ng labing-apat(14) na taludtod at naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Soneto
Isang uri ng tulang liriko na karaniwang inaawit na may kaalinsabay na gawain. Oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo. May iba’t ibang uri ang mga ito batay sa okasyong paggagamitan.
Awiting Bayan
Awitin sa pamamangka
Talindaw