Pandiwa Flashcards
(10 cards)
Ano ang pandiwa?
Ito ay nagsasaad ng kilos o galaw
Ano ang tawag sa mga panlaping ginagamit sa pandiwa?
Panlaping Makadiwa
Ano ang dalawang uri ng pandiwa?
Palipat at Katawanin
Ano ang palipat?
Ang palipat ay may tuwirang layong tumatanggap sa kilos.
*ang layon na kasunod ng pandiwa ay pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga, sa, sa mga, kay, o kina.
Halimbawa: Si Mimay ay kumain ng saging.
kumain - pandiwa
ng saging - tuwirang layon
Ano ang katawanin?
Ang katawanin ay hindi na nangangailangan ng tuwirang layon ang pandiwa.
Halimbawa:
• Nabuhay si Pandora
• Sina Epithemeus at Pandora ay ikinasal
• Umuulan!
Ano ang tatlong aspekto ng pandiwa?
Aspektong Naganap (Perpektibo), Aspektong Nagaganap (Imperpektibo), Aspektong Magaganap (Kontemplatibo)
Aspekto ng pandiwa na nagsasaad na tapos na or nangyari na ang kilos
Aspektong Naganap o Perpektibo
Bahagi ng aspektong naganap sapagkat ang kilos ay katatapos pa lang gawin o mangyari.
Aspektong Katatapos
Aspekto ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nangyayari o patuloy na nangyayari
Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
Aspekto ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos ay hindi pa isinasagawa o gagawin pa lamang
Aspektong Magaganap o Kontemplatibo