[PBPS] Tekstong Persuweysib Flashcards

1
Q

Ano ang Tekstong Persuweysib?

Isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang [ ? ] hinggil sa isang isyu.

Ang manunulat ay [ ? ] upang suportahan ang isang opinyon gamit ang [ ? ] ng pagsulat.

A

Isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.

Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ano ang Tekstong Persuweysib?

Sa pagsulat ng tekstong ito, [ ? ] ang isang manunulat.

Sa halip ay [ ? ] mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri. Mas matibay na batayan ito upang mapaniwala ang mga mambabasa sa talas
at katumpakan ng panghihikayat ng manunulat.

A

Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat.

Sa halip ay gumagamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri. Mas matibay na batayan ito upang mapaniwala ang mga mambabasa sa talas
at katumpakan ng panghihikayat ng manunulat.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Magbigay ng halimbawa ng tekstong persuweysib.

A
  • Iskrip sa patalastas
  • Propaganda sa eleksyon
  • Flyers ng produkto
  • Brochures na nanghihikayat
  • Networking
  • Manipesto
  • Petisyon
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Tatlong Elemento at Paraan ng Panghihikayat

Paggamit ng
kredibilidad/imahe para makapanghikayat

A

Ethos

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Tatlong Elemento at Paraan ng Panghihikayat

Paggamit ng
emosyon ng
mambabasa

A

Pathos

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Tatlong Elemento at Paraan ng Panghihikayat

Paggamit ng lohika
at impormasyon

A

Logos

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Propaganda Devices

Ito ay ang hindi magagandang puna o taguri sa
isang tao o bagay.

A

Name Calling

Halimbawa:
▪ Ang pagsisiraan ng mga kandidato kapag eleksyon. Tuwing
eleksyon ay nagbibigay ng ‘di magagandang puna ang
kandidato sa kalaban nila sa pwesto tulad ng kurakot,
kukunin lamang ang kaban ng bayan, bagito sa politika at
iba pa.

▪ Paninira sa isang produkto upang hindi ito mabili sa
merkado.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Propaganda Devices

Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.

A

Glittering Generalities

Halimbawa:
▪ Sa isang commercial ni James Reid na ipapakita na sa kahit
anong sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong iyon
ay GWAPO ka sa lahat ng pagkakataon.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Propaganda Devices

Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi
kilalang tao o produkto.

A

Transfer

Halimbawa:
▪ Pagpromote ng isang artista sa hindi sikat na brand.

▪ Kilala si Kuya Kim bilang mahilig tumuklas ng bagay bagay
tungkol sa mundo lalo na sa siyensya, Dahil siya ay sikat sa
ganoong larangan, pinipili siya upang mag-promote ng
mga gamot na di pa masyadong sikat sa merkado.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Propaganda Devices

Ito ang propaganda device kung saan tuwirang ineendorso/pino-promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto.

A

Testimonial

Halimbawa:
▪ Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang
kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang
kanyang kapartido.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Propaganda Devices

Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao
para makuha ang tiwala ng sambayanan.

Ito ay kalimitang
ginagamit ng mga tumatakbo sa politiko.

A

Plain Folks

Halimbawa:
▪ Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng
magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin
sila sa hirap.
▪ Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag
eendorso ng kanilang produkto.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Propaganda Devices

Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa
mga ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang
produkto o serbisyo.

A

Bandwagon

Halimbawa:
▪ LBC: Lahat ng tao ay dito na nagpapadala (Hari ng Padala).
▪ TGP: Tagapagpa-galing ng Pilipinas.
▪ Joy (Sabong Panlaba/Dishwashing Liquid): Pinapakita sa commercial nila na ang mga tao sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay gumagamit na ng Joy sa paghuhugas ng pinggan dahil ito ay epektibo sa pagtanggal ng sebo.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Propaganda Devices

Pagsasabi ng magandang puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.

A

Card Stacking

Halimbawa:
▪ Lucky Me – pinapakita dito ang magandang dulot nito
sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot
ito ng sakit sa bato at UTI.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly