PID Flashcards
Mga Teorya ng Pagsasalin (48 cards)
Unang maituturing na ‘Martir ng pagsasalin” o sa pagsasalin ay may tanyag ang linyang “Traduttore, traditore”
Etienne Dolet(bigkas: Echen Dule)
kahulugan ng traduttore at traditore
tagasalin at taksil
bakit pumapalya ang google translate sa pagsasalin?
wala itong lohikang pangkultura
Teorya ni Eugene Nida
Formal at Dynamic Equivalence
Teorya ni Mildred Larson
Meaning Based Theory
Teorya ni Peter Newmark
Communicative Theory
Teorya ni Vermeer
Skopos Theory
Ayon sa kaniya, may kultural na salik sa pagsasalin. Maari itong formal o dynamic equivalence.
Eugene Nida(1964)
ito ay ginagamit kung tapat na isinasalin ang anyo at nilalaman nang sa gayon ay maunawaan ng target na mambabasa ang kamalayan, damdamin at diwa sa konteksto ng SL.
Formal Equivalence
Ito ay ginagamit kung ang tagasalin ay naglilipat sa paraang pagbibigay-tuon sa konteksto ng kaniyang sariling kultura. Nakatuon sa TL.
Dynamic Equivalence
Naniniwala siya na ang pagsasalin ay isang agham at hindi isang sining. Aniya, maituturing na siyentipiko o makaagham na paglalarawan.
Nida
Libro ni Nida tungkol sa pagsasalin
Science of Translating
Libro ni Savory tungkol sa pagsasalin
Art of Translating
Niniwala na ang pagsasalin ay isang sining at hindi isang agham.
Theodore Savory
Ayon sa kaniya ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likas na katumbas na mensahe ng SL, una ay kahulugan at ang ikalawa ay estilo.
Nida
Tatlong pangunahing salik sa pagsasalin:
a. tinatalakay ang layunin ng pagsasalin
b. pagtalakay sa kalikasan ng mga mambabasa
c. pagtalakay sa uri ng tekstong isasalin
Ayon sa kanila, ang pagsasalin ay kinakailangang nagtataglay ng diwa at kahulugan ng isinasaling teksto.
Peter Newmark at Mildred Larson
Ang pagsasalin ay muling pagbuo sa tumatanggap na wika sa tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaang wika(SL) subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal na tumatanggap na wika(TL).
Ayon kay _____:
Ang pagsasalin ay binubuo ng paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika tungo sa gagamiting wika, na kumakatawan sa tuntunin ng balarila na nangingibabaw sa estruktura ng wika.
Larson(2002)
Ayon kay ______:
…habang tumutukoy sa semantikong kaayusan ng isinasaling teksto batay sa sitwasyon ng komunikasyon, kasaysayan, kultura, intensyon ng may-akda, pati na rin ang iba’t ibang uri ng mga kahulugan na nakapaloob sa tahasan at tunay na impormasyon ng teksto.
Nanindigan na ang pagsasaling wika ay ang palilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin(TL)
Siya ay naglahad ng mga elemento ng mga pagsasalin. Ang pagbibigay-diin sa mga MAMBABASA at KAAYUSAN(setting). Dapat maging NATURAL ang dating ng salin upang maunawaan at makapg-iwan ng kakintalan sa mambabasa.
Ang pagsasalin ay isang pagsasanay ay isang pagsasanay na binubuong pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika gayon ding mensahe sa ibang Wika.
Newmark (2002)
Teorya(?) ni Larson na nakatutok sa kahulugan ng SL tungo sa pagpapahayag ng kahulugan ng salin sa TL.
Meaning Based Translation/
Inilarawan ni _______ ang dayagram ng pagsasalin ni Larson sa kanyang Meaning Based Translation
[Tekstong isasalin] -> Tukalasin ang kahulugan -> (Kahulugan) -> Muling ipahayag ang kahulugan v-> <Salin></Salin>
Santiago(2009)
Ginamit ni Newmark ang ______ upang ipakita ang walong metodo sa pagsasalin.
V diagram
Ayon kay Newmark, mahalagang maisaalang alang ang tagasalin bago pumili ng angkop na metodosa pagsasalin ay kailanagn alamin muna niya ang ss:
- intensyon ng tagasalin
- ang babasa at kalagayan ng tekstong pagsasalinan
- kalidad ng pagkasulat at kapangyarihan ng orihinal na isasalin o teksto
Walong metodo ng pagsasalin ayon kay Newmark
Salita-sa-salita - Adaptasyon
Literal - Malaya
Matapat - Idyomatiko
Semantiko - Komunikatibo