PN Reviewer Flashcards
(36 cards)
Nagkakaroon ng tawanan, iyakan at pagkakaunawaan gamit ang wika
interaksyon
Nakikiusap at humihingi ng tulong ang tao gamit ang wika.
instrumental
Ang wika ay nakapagpapakilos ng sambayanan maging ng sandaigdigan.
regulatori
Naipapahayag ang mga nararamdaman, pangitain, opinyon at pagkatao ng isag indibidwal.
PAnsarili o Personal
Sa pagiging malikhain ng tao ay natural na dumadaloy anf paggamit ng wika sa imahinatibong pmamaraan.
Imahinatibo
Nagtatanong at humihingi ng impormasyon sa pagnanais niyang matuto at magkammit ng mga kaalaman
Heyuristiko
Naipababatid at naihahatid ang mga bagong kaalaman at katotohanan sa pamamagitan ng wika.
Impormatibo
Pagunawa at paggamit sa kasanayan sa Ponolohiya, Morpolohiya, Sintaks, Semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya.
Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal
Mungkahing komponent ng kakayahang gramatika o kakakyahang lingguwistiko mula kina Celce-Murcia, Dornyei, at Thurell (1995)
Kakayahang pang komunikatibo
Pagsasama sama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan
Sintaks
Pag-aaral ng ponema ay tinatawag na
Ponolohiya
Ito naman ang pag-aaral ng morpema na ang ibig sabihin ay pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan hal. mga panlapi
Morpolohiya
ito ang representasyon ng mga tunog ng wika na nakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto.hal. alibata, baybayin, abakada
Ortograpiya
Tumutukoy ito sa mga salita na ginagamit sa isang wika ng mga mananalita nito. Ito rin ay tumutukoy sa iba’t-ibang paraan ng pagbuo ng mga salita. hal. pagtatambal, acronym, pagabbawas o pagdadagdag, paghahalo o blending
Leksinon
tumutukoy sa mga kaalamang extralinguistic na dapat na taglayin ng isang nagsasalita upang makapagtamo ng kahulugan mula sa isang sitwasyong komunikatibo
PRAGMATIKS
Tumutukoy ito sa kilos at galaw ng katawan.
KATAWAN (KINESICS)
Tumutukoy ito sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid
EKSPRESYON NG MUKHA (PICTICS)
Tumutukoy ito sa galaw ng mata. Nakikita sa galaw ng ating mga mata ang nararamdaman natin.
GALAW NG MATA (OCULESICS
Tumutukoy ito sa mga di-lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. Kasama rito ang pagsutsot, buntonghininga, at iba pang di lingguwistikong paraan upang maipahatid ang mensahe.Tinutukoy rin nito ang tono, lakas, bilis, o bagal ng pananalitang nagbibigay linaw sa verbal na komunikasyon.
VOCALICS
Tumutukoy ito sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe. Ang pagtapik sa balikat, ang paghablot, pagkamay, o pagpisil, ito ay mga paraan upang mapabatid ang isang mensahe.
PANDAMA O PAGHAWAK (HAPTICS)
Tumutukoy ito sa komunikatibong gamit ang espasyo, isang katawagang binuo ng antropologong si Edward T Hall (1963). Tumutukoy ito sa layo ng kausap sa kinakausap
ESPASYO (PROXEMICS)
Tumutukoy ito sa kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng mensaheng nais iparating. Tulad ng pagdating nang maaga sa isang job interview ay nangangahulugang may disiplina ang nag-aaplay at interesado siya sa inaaplayan
ORAS (CHRONEMICS
Nagagawang matukoy ng isang tao ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di sinasabi,batay sa ikinikilos ng taong kausap kung kanyang taglay ang Kakayahang Pragmatik.
KAKAYAHANG
PRAGMATIK
Ito ay ang kakayahang magamit ang berbal at di berbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang
mga hindi pagkakaunawaan sa komunikasyon.
KAKAYAHANG ISTRATEDYIK