Post-Assessment Flashcards
(45 cards)
Ang wika ay kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan. Samakatuwid, ang wika ay
A. makapangyarihan
B. tagapag-ugnay
C. pangkatawan
D. panlunas
B.
Pinalitan ng Filipino ang dating Pilipino dahil
A. luma na ang Pilipino
B. maiaangkop sa pag-unlad
C. higit na mas marami ang gumagamit
D. wika ng sentro ng kalakalan
B.
Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy sa Artikulo XIV, sek. 6 ng Saligang Batas?
A. Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa
B. Filipino bilang Wikang Pambansa
C. Pilipino bilang Wikang Pambansa
D. Pagtuturo ng katutubong wika
B.
Alin sa mga sumusunod ang pahayag na pormal?
A. ‘Lika na!
B. Salamat!
C. Ewan ko!
D. Musta?
B.
Alin ang hinuhulapian ng -an?
A. Dala
B. Tama
C. Bato
D. Payo
B.
Nagiging pan ang panlaping pang kung ito’y sinusundan ng salitang-ugat na nagsisimula sa:
A. B
B. s
C. n
D. p
B.
Ang unang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino ay ang
A. Abecedario
B. Baybayin
C. Abakada
D. Alpabeto
B.
Kapag nagbabago ang antas ng wika o paraan ng pagpapahayag kapag nasa mall bilang epekto ng kapaligiran, umiiral ang
A. Diyalekto
B. Sosyolek
C. Lingua-franca
D. Idyolek
B.
Ang pag-uugali ng isang pangkat ay mahihiwatigan din sa kanilang wika dahil ang wika ay
A. masistema
B. nagbabago
C. makapangyarihan
D. kultural
D.
Alin ang HINDI totoo sa gamit ng walong dagdag na letrang c, f, j, q, n, v, x, z?
A. mga karaniwang salita
B. mga salitang teknikal, Siyentipiko at pang-agham
C. mga salitang mahirap ang ispelling mula sa dayuhang wika
D. mga slitang may kahulugang kultural at pang-interaksyong anyo at gamit
B.
Ang mga sumusunod ay magandang simula ng talumpati maliban sa
A. tanong
B. kaisipan
C. paglalarawan
D. mungkahi
D.
Kung ang nagsusulat ay nagbabasa, ang nagsasalita kung ganoon ay sa
A. naglalahad
B. nakikinig
C. nagdidikta
D. sumasagot
B.
Kung ang paa ay sa tindig; ang kamay ay sa ____
A. pagkumpas
B. paggalaw
C. paghalo
D. tono
A.
Ang debate ay halimbawa ng ___
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pangangatwiran
D. Pagsasalaysay
C.
Kapag nakuha ng tagapagsalita ang interes ng tagapakinig, alin sa mga sumusunod ang pinakamalapit na mabuting katangian ng tagapagsalita?
A. Marami siyang kilos at kumpas
B. Marami siyang impormasyong nailahad
C. Nakukuha niya ang inters ng tagapakinig
D. Malakas at wasto ang pagbigkas niya
C.
Ito ang unang aklat na nailimbag sa Pilipinas
A. Balarila
B. Doctrina Christiana
C. Compendio Dela Lengua Tagala
D. Ang librong pag-aaralan ng mga Tagalog
B.
Sa panahong ito, unang pinagtibay ang Tagalog bilang opisyal na wika ng bansa.
A. Pananakop ng mga Kastila
B. Pananakop ng mga Amerikano
C. Panahon ng Propaganda
D. Panahon ng Komonwelt
D.
Ito ang pahayagan ng Katipunan na naglathala ng mga akdang mapanghimagsik laban sa mananakop, at palihim na lumabas sa Maynila.
A. Balarila
B. Demokrasya
C. Gramatika
D. Kalayaan
D.
Sino ang nagpahayag na ang wikang Tagalog ay kasinghusay at kasingganda ng mga wikang itinuturing na pinakamahusay na wika sa daigdig?
A. Lope K. Santos
B. Dr. Blake
C. Dr. Saleeby
D. Padre Chirino
D.
Ito ay kauna-unahang magasin na nalimbag sa Pilipinas.
A. Bannawag
B. Bisaya
C. Liwayway
D. Colegian
C.
Siya ang nanguna sa pagpapanukalang magkaroon ng wikang pambansa noong Panahon ng
Komonwelt.
A. Lope K. Santos
B. Felimon Sotto
C. Manuel Luis Molina Quezon
D. Dr. Najib M. Saleeby
C.
Sila ang gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa.
A. Hukuman
B. Kongreso
C. Saligang Batas
D. Presidente
B.
Bakit tinawag na gintong panahon ng wikang pambansa ang panahon ng pananakop ng mga
Hapones?
A. Malawakang ginamit ang wikang Tagalog sa panitikan, sining at musika bilang bahagi ng
pagpapalaganap ng kamalayang panlipunan
B. Ipinagpatuloy ang paggamit ng wikang Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga
Pilipino.
C. Nahinto ang pagpapaunlad ng wikang Tagalog dahil namayagpag ang wikang Ingles sa
pakikipagtalastasan.
D. Ginamit ng wikang panturo ang wikang Niponggo sa lahat ng antas.
A.
Ano ang dahilan ng pagpapalit ng katawagang wikang Pilipino mula sa Tagalog bilang wikang
pambansa?
A. Upang mabigyan ito ng tatak at diwang pambansa kaysa pangkat-etniko lamang.
B. Upang makaangkop sa pagbabago ng katawagan.
C. Popular ito.
D. Nagpapaangat ng lebel ng edukasyon.
A.