Prelim Flashcards
(87 cards)
“Ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na makita ang Maykapal.”
Sa aklat nina Atienza, ramos, zalazar, at nazal na pinamagatang panitikang Pilipino
Sa kanyang pinakabuod na pakahulugan:
“Anumang bagay raw na naisasatitik, basta may kaugnayan sa pag- lisip at damdamin ng tao, maging ito’y totoo, kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaaring tawaging panitikan.”
Webster
Ang pagpapahayag daw ng isang damdamin ng nilikha ay maaaring sa pamamagitan ng pag-ibig, kaligayahan, galit o poot, pagkahabag pag-alipusta, paghihiganti, at iba pa.
Bro. Azarias
“Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Sa panitikan nasasalamin mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, at guniguni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalalinghaga, at masining na mga pahayag.”
Maria Ramos
Ito ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang pagkamakabayan o nasyonalismo.
Panitikan
Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin, nagdidilat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan.
Panitikan
Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo kundi ito’y nag-iingat din ng mga ________, __________, at mga ________ ng bawat bansa.
karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa.
Hinuhubog sa panitikan ang kagandahan ng kultura ng bawat lipunan.
True
Dito nasusulat ang henyo ng bawat panahon. Ito’y walang paglipas hanggang may tao sa sandaigdigan.
Panitikan
Ito ay isang ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao. Kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat, at sa paraang abot-kaya ng mangangatha o manunulat.
Panitikan
Walang kamatayan ang panitikan at mapalad ang mambabasa sa kasalukuyan sapagkat nababasa niya ang iba’t ibang pagbabagong nagaganap di lamang sa daigdig na ginagalawan niya kundi sa daigdig ng nakalipas na panahon.
> Salamin ito ng panahon, ng kaligayahan, kalungkutan, ng pakikibaka, ng pagbabago, ng pagkakasundo, at ng pag-unlad. Larawan ng sangkatauhan ang panitikan.
Mahalagang impluwensiya ng panitikan sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao.
- Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda.
- Sa panitikan nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman ng ugali at palakad at nag-kakatulungan.
LIMANG mahahalagang bagay na dapat ay pag-aralan mo ang Panitikang Pilipino:
- Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating minanang yaman ng isip at angking talino mula sa ating pinanggalingang lahi.
- Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y may dakila at marangal na tradisyon. 3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito’y matuwid at mabago.”
- Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.
- Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensiya sa buong daigdig:
- Banal na Kasulatan o Bibliya
- Koran
- Ang Iliad o Odyssey
- Ang Mahabharata
- Canterbury Tales
- Uncle Tom’s Cabin
- Ang Divine Comedia
- Ang El Cid Compeador
- Ang Awit ni Rolando
- Ang aklat ng mga patay
- Ang aklat ng mga araw
- Isang Libo’t Isang Gabi
Ang Pangkalahatang Uri ng Panitikan
- Tuluyan
- Patula
Mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap.
Tuluyan
Pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod, at saknong
Patula
Ang Mga Tuluyan
- Nobela
- Maikling Kwento
- Dula
- Alamat
- Ang Pabula
- Anekdota
- Sanaysay
- Talambuhay
- Balita
- Talumpati
- Parabula
Mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabangpanahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
Nobela
Halimbawa ng Nobela
“Banaag at Sikat” ni Lope R. Santos
Ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan. May isang pangyayari sa kakintalan.
Maikling Kwento
Halimbawa ng Maikling Kwento
“Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute
Itoy itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Itoy itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.
Nahahati ito sa ilang yugto, at sa bawatyugto ay maraming tagpo.
Dula
Halimbawa ng Dula
“Kahapon, Ngayon at Bukas” ni Aurelio Tolentino