Quiz 1 Flashcards
(51 cards)
Ang pananaliksik ay nagpapalawak ng mga kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa isang paksa o mga bagay-bagay sa paligid nang higit pa kaysa _______ at _______ sa loob ng silid-aralan.
Pagbabasa at pakikinig
Ito ay isang gawaing pang-akademiko na tinutugunan ng mga taong sangkot sa isang akademikong komunidad at ang ilan sa mga ito ay ang mga propesor o mananaliksik.
Pananaliksik
Ito ay magkakaugnay na mga gawain na nagsisimula sa pag-iisip ng paksa o katanungan.
Pananaliksik
Inaasahan na ang pinal na sulatin o dokumentasyon ay maibabahagi sa iba sa pamamagitan ng __________.
Pag-uulat o paglalathala
Ito ay masistemang gawain ng pangangalap ng datos o impormasyon na nagpapataas ng kaalaman at pang-unawa ng mga mag-aaral/mananaliksik tungkol sa isang pangyayari.
Pananaliksik
Tungkulin ng mananaliksik na maihayag ang kanyang nasaliksik sa pamamagitan ng ano?
Publikasyon
Ito ay isang pagtatangka sa maingat na pag-uusisa, pag-aaral, pagmamasid, pagsusuri at pagtatala ng mga bagong impormasyon, katotohanan at kaalaman.
Pananaliksik
Ito ay nangangailangan ng pasensya, pagtitiyaga at pagsisikap.
Pagsulat ng pananaliksik
Siya ang nagsabi ng mga uri at layunin ng pananaliksik.
Patton (1990)
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay magpaliwanag. Ito ay binubuo ng teorya o paliwanag tungkol sa isang penomenon (o pangyayari) at ito au deskriptibo o naglalarawan.
Panimulang pananaliksik (Basic Research)
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay magkaroon siya ng ideya kung paano kokontrolin ang suliraning yaon.
Pagtugong pananaliksik (Applied Research)
Ito ay may layunin na solusyonan ang suliranin ng tao at mga suliraning umiiral sa kapaligiran.
Pagtugong pananaliksik (Applied Research)
Ito ay bunga ng pagtugong pananaliksik sapagkat nilalayon nitong mabigyan ng supling ang sinumang mag-asawang nais magkaanak.
Artificial insemination o in vitro fertilization
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng proseso at kinalabasan ng isang solusyon.
Pananalik na nagtataya (Evaluation Research)
Ito ay may layuning pag-ibayuhin ang proseso kaugnay ng ilang kundisyon gaya ng oras, gawain at mga taong sangkot.
Formative research
Susukatin nito ang bisa ng isang programa, polisiya o produkto.
Summative research
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong lumutas ng isang tiyak na suliranin sa isang programa, organisayon o komunidad. Ang kinaibahan nito sa pagtugong pananaliksik ay mas payak ang suliranin nito at ang pangongolekta ng datos ay impormal. Karaniwam, ang mananaliksik ay kabahagi o kasapi ng pinag-aaralan. Ang ganitong uri ng pananaliksik ay mainam para sa mga mag-aaral sa sekundarya at kolehiyo.
Pagkilos na pananaliksik (Action Research)
4 na uri ng pananaliksik at ang mga layunin nito
- Panimulang Pananaliksik (Basic Research)
- Pagtugong Pananaliksik (Applied Research)
- Pananaliksik na Nagtataya (Evaluation Research)
- Formative research
- Summative Research - Pagkilos na Pananaliksik (Action Research)
Sila ang nagsabi ng mga tungkulin at responsibilidas ng Isang Mag-aaral na mananaliksik
Shamoo at Resnik (2003)
Halimbawa niyo ay ang matapa na pangangalap at pag-uulat ng mga datos. Hindi maaaring mag-imbento ng mga datos. Kadalasan, bahagi ng pananaliksik ng mga mag-aaral ang magpasagot ng sarbey; inaasahan na ang sarbey ay “sadyang” pinasasagutan sa mga respondente at kung anuman ang kinalabasan ng sarbey na ito at siyang dapat na iulat.
Matapat na tinutugunan ang mga gawain sa pananaliksik
Inilalayo ang personal na hangarin o intensyon sa sabdyek na sinasaliksik. Ikaw ay walang pagkiling sa resulta ng iyong pag-aaral. May mga pagkakaon na taliwas ang resulta ng iyong pag-aaral na inaasahan. Kung magkaganito man, hindi mo dapat itong manipulahin.
Obhektibo
Kinikilatis mong mabuti ang mga nabuong gawain. Tinitingnan kung wasto ang nailipat na datos. Kinikilala ang may-akda na pinagkunan ng impormasyon. Malinis at maayos ang pagkakasulat ng mga salita ay impormasyon, kung kaya’t mahalaga anh paulit-ulit na pagbabasa (proofreading) upang maiayos ang kahinaan ng pananaliksik papel.
Maingat sa anumanang pagkakamali at malayo sa kapabayaan
Ang mag mag-aaral na mananaliksik ay tumatanggap ng mga suhestiyon o puna. Para sa iyo, ito ay magpapaganda at magpapabuti pa ng iyong pananaliksik.
Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya
Kung kaya’t kinikilala mo ang awtor o sumulat ng impormasyon at ideya. Ito ay iyong binabanggit. Hindi mo inaangkin ang gawa ng iba at hindi ka tahasang kumokopya.
May paggalang sa intelektwal na pag-aari