Quiz Flashcards
(26 cards)
Apat na makrong kasanayan
pakikinig
pagsasalita
pagbasa
pagsulat
“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap sa, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.”
Gustave Flaubert
Ayon kina ______________, sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan ng iba’t iba at nagkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon
Anderson et al. (1985)
Ayon kina ____________ sa artikulong “New Directions in Statewide Reading Assessment” ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon.
Wixson et al. (1987)
Mga Benepisyo ng Pagbasa
- Nagpapatalas ng isip at pang-unawa
- Nagpapayaman ng bokabularyo
- Kadalasa’y nakaaalis ng istres
- Nakapaglalakbay nang libre
- Maaaring makareleyt at matuto
- Nagiging produktibo
- Nagpapa-andar at nagpapalawak ng imahinasyon
Mula sa teksto ang pagpapakahulugan patungo sa pagkatuto ng mambabasa
Baba Pataas (Bottom Up)
Nagsisimula sa mambabasa ang pang-unawa patungo sa teksto
Taas-Pababa (Top Down)
Sinusukat dito ang kakayahan sa pag-unawa ng mambabasa (comprehensive question)
Interactive
Naglilinaw sa organisayon at nagbibigay-diin sa naimbak na dating kaalaman at karanasan
Iskema
Uri ng Pagbasa ayon sa Pamamaraan
pahapyaw
mabilis
paaral
pagsusuri
pamumuna
Paghahanap ng mga tiyak na datos sa isang pahina ng aklat o kabuoan ng teksto
Pahapyaw
Layuning mabatid ang pangkalahatang pananaw sa tekstong binabasa
Mabilis
Ito ay pagsasama-sama ng maliliit na kaisipan upang magkaroon ng mahusay at wastong pagkaunawa
Paaral
Ginagawa upang masukat ang kakayahan ng mag-aaral sa pag-unawa sa tekstong itinakda ng guro
Pagsusuri
Suliranin sa Pagbabasa
- Malabong paningin
- Kakulangan sa kaalamang pangwika
- Kakulangan sa kaalamang kultural
- Kakulangan sa kaalamang impormasyon at karanasan
Ang ________ ay sistematikong pagbubuo paghahanay at pag-uuganay ng mga ideya upang magkaroon ng malinaw na ugnayan sa pagbabalangkas ng mga kaisipan
Impormasyon
Layuning maging daluyan ng makatotohanang impormasyon, alisin at bigyang-linaw ang mga katanungan, agam-agam na bumabalot sa isipan ng mga mambabasa.
Tekstong Impormatibo
Iba’t Ibang Estruktura ng Tekstong Impormatibo
Sanhi at Bunga
Paghahambing
Pagbibigay-depinisyon
Paglilista ng Klasipikasyon
Ito ay estruktura ng paglalahad ng nagpapakita ng pagkaka-ugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari
Sanhi at Bunga
Nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto o pangyayari
Paghahambing
Termino, o konsepto. Maaaring ang paksa ay patungkol sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng isang hayop, puno o kaya naman ay abstrak na katarungan, pagkakapantay-pantay, o pag-ibig. Denotasyon o Konotasyon
Ang estrukturang ito naman ay kadalasang naghahati-hati sa isang paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay
Pahlilista ng Klasipikasyon
Mga Hanguan ng Datos ayon kay ________
Mosura, et al. 1999
Hanguang Primarya
- Indibidwal o awtoridad
- Mga grupo
- Pampublikong kasulatan o dokumento