Retorika Flashcards
(45 cards)
Ayon sa kanya mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsulat at pagsasalita
Sebastian, 1967
Ang Retorika ay galing sa salitang Latin na __________ na nangangahulugang guro o isang mahusay na mananalumpati
Rhetor
Ito ay sining o agham ng paggamit ng salita sa mabisang paraan, pasalita man o pagsulat
Diksyunaryo
Ito ay pag-aaral upang magkaroon ng kasiningan, at kahusayan ang isang indibidwal sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa kanyang pagsulat at pagsasalita
Retorika
Ito ay susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita at pagsulat
Retorika
Ayon sa kanya ang Retorika ay sining ng maayos na pagsasalita o pagsulat
Quintillan
Ayon sa kanya ang Retorika ay agham ng paghimok o pagsang-ayon
Socrates
Ayon naman sa kanya ang Retorika ay ang kakayahang maanino, mawari, o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok
Aristotle
Ayon naman sa kanya, ang Retorika ay sining ng argumento ng pagsulat
Richard whatley
Sinumang nagpapahayag gumagamit ng simbolo at imahinasyon upang bigyan-buhay ang ideya at akitin ang kanyang tagapakinig o mambabasa
Sining
Gumagamit ng Retorika ang isang pagpapahayag upang ipakita na ang mga argumento niya ay padron ng sensibilidad at katwiran upang maunawaan ng iba
Pilosopiya
ang pangunahing behikulong ginagamit sa pagpapahayag at nararamdaman at naiisip, Kung gayon sa pagpapahayag ay isaalang-alang ang mga panuntunan ng _________
Wika
Nakikisangkot ang bawat mamamayan sa anumang usapin o konsern sa _________. Ang bawat tao ay bahagi ng __________ kaya’t hindi niya maiiwasang magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa kanyang mundong ginagalawan
Lipunan
Dapat taglayin ng isang pagpapahayag
Maging matapat
Maging malinaw
Maging tiyak at matipid sa sasabihin
Sikaping magkaroon ng barayti
Langkapan ng patawa, talino, sigla at imahinasyon
Elemento/Sangkap ng Retorika
Ang kaisipang gustong ipahayag
Ang pagbuo o organisasyon
Ang istilo ng pagpapahayag
Kahalagahan ng Retorika
Kahalagahang Panrelihiyon
Kahalagahang Pampanitikan
Kahalagahang pang-ekonomiya
Kahalagahang pampulitika
Layunin ng Retorika
Makapagpahayag ng mahusay pasulat man o pasalita
Magkaroon ng isipang mapanuri
Makabuo ng mga makabuluhang ideya
Makapamahala sa angking kakayahan
Makikita sa pagkakabuklod-buklod o pagkakaisa at pagkakasunduan diwa ng naghahatid ng mensahe sa tumatanggap
Bukluring Sining
Sapagkat ang tao ang may katangian magsalita at ipahayag ang kaniyang sariling damdamin at iniisip upang siya ay higit na maunawaan ng kanyang kapwa, gumagamit siya ng isang paraan gamit ang kanyang talino at isip
Pantaong Sining
walang permanente sa ating mundong ginagalawan. Ang sining at Retorika ay gayundin, ang mga salitang ginagamit noon ay maaaring taliwas sa mga salita at kahulugan na ginagamit natin ngayon at sa darating na panahon, nagbabago ang sining ng Retorika
Pansamantalang Sining
bagaman mabuti at nakakahalina ang sining ng Retorika, May mga pagkakataon din na ito ay nagdudulot ng kabiguan tulad ng maling paggamit ng parirala at pangungusap
Sining na may kabiguan
Salik ng Retorika
Tamang gamit ng balarila
Lipunan
Pagmamatuwid
Katotohanan
napakahalaga ang Retorika sa pang araw-araw na pakikipag-usap o talamitan ang tao sa kanyang kapwa. Gumagamit tayo ng retorika upang mapadali at mapagaan ang mga bagay na nasa isip na nais iparating ng pasalita o pasulat
Paraan ng talamitan
dahil sa retorika sumisikat ang isang produkto o lugar dahil sa ngalang ibinigay dito tulad ng dampa at iba pa
Nangangalan