SAS 5 Flashcards
Mga Pagdulog o Pananaw sa Pagsusuring Panitikan
-Moralistiko
-Sosyolohikal
-Sikolohikal
-Formalismo
-Arketipal/Imahismo
-Marxismo
-Feminismo
-Eksistensyalismo
pagpapahalaga sa disiplina, moralidad, at kaayusang nararapat at inaasahan ng madla
Moralistiko
kalagayan ng lipunan; uri ng mga taong namayagpag sa panahong ito
Sosyolohikal
takbo o galaw ng isipan ng manunulat; antas ng kanyang pamumuhay, paninindigan, paniniwala, at
pagpapahalaga, gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan
Sikolohikal
kaisahan ng mga bahagi at ang kabuoan ng akda nang malayo sa pinagmulang kapaligiran, era, at maging sa
pagkatao ng may akda
Formalismo
naglalayong magpahayag nang malinaw gamit ang mga simbolo
Arketipal/Imahismo
pagbibigay-halaga sa tunggalian sa pagitan ng dalawang malalakas at magkasalungat na puwersa; implikasyon ng
sistemang kapitalista
Marxismo
pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan; labanan
ang anumang diskriminasyon, eksploytasyon, opresyon, at ang tradisyonal na pananaw sa kababaihan
Feminismo
ang tao ay malayang magpasiya para sakanyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at nang sa gayon ay hindi maikahon ng lipunan
Eksistensyalismo
Uriin kung anong pagdulog sa pagsusuri ang tinutukoy:
Pagsusuri tungkol sa uri ng kayarian ng akda kung itoy kumbensyunal o tradisyunal
Pormalistiko
Uriin kung anong pagdulog sa pagsusuri ang tinutukoy:
Pinapahalagahan ang magagandang asal nang naayon sa batas ng tao at ng Diyos
Moralistiko
Uriin kung anong pagdulog sa pagsusuri ang tinutukoy:
Pinapahalagahan ang nasa isip at damdamin ng pangunahing tauhan
Sikolohikal
Uriin kung anong pagdulog sa pagsusuri ang tinutukoy:
Nagpapahalaga sa karapatan ng mga babae sa lipunan
Feminismo
Uriin kung anong pagdulog sa pagsusuri ang tinutukoy:
Naglalayong magpahayag ng mensahe gamit ang mga simbolo.
Arketipal/Imahismo