Talasalitaan Flashcards
(31 cards)
Pagkapoot
“Ako’y bumalik matapos ang 13 taon, nag-ipon ng kayamanan para wasakin ang tiwaling pamahalaan, gamit ang sariling kabulukan at sukdulang luha at dugo.” Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito ni Simoun?
Pagtanaw ng utang na loob
“May labintatlong taon nap o ngayon Ginoo, na kayo’y naghandog sa akin ng isang pagdamay na dakila.” “Sa pook ding ito inilibing ang aking ina at ikaliligaya ko kung ako’y makatutulong naman sa inyo.’’ Anong katangiang Pilipino ang masasalamin sa may salungguhit na pahayag?
Pagkamatapat sa tungkulin
Hindi sang-ayon ang kalihim sa paglalaro ng baraha ng Kapitan Heneral sa halip na bigyan pansin ang mahahalagang suliranin ng bayan. Sa pagkatao ng kalihimay masisinag ang katauhang ___
Mapagkalinga
Mula sa Batangas, si Kabesang Andang ay dumalaw sa kanyang anak na si Placido. Unang batian pa lamang ay dama na niya na may problema ang kanyang anak. Ito ay kanyag inalo at sinuportahan. Ang ginawa ni Kabesang Andang ay pagpapatunay lamang na siya ayisang inang ____
Mapagparaya
Si Huli ay namasukan bilang katulong upang mapalaya ang kanyang ama sa salaping makukuha. Dahil dito si Huli ay maituturing na anak na ____
Paggawa
Ayon kay Simoun ang mga tulisan ang pinakamatapat na mamamayansa buong bayan. Sila lamang ang nagpapagod sa araw- araw nilang pagkain. Samakatuwid si Simounay nagpapahalaga sa kahalagahan ng ____
Makabayan
“Kung ang buhok ko ay maging kasimputi ng sa inyo, Ginoo, at sa aking pag-alaala ng aking nakaraan ay nakita kong wala akong ginawa para sa aking bayan, ang puting buhok na ito ay dapat kong ikahiya.” Ang pahayag na ito ay nagpapatunay lamang na si Isagani ay ____
Kahit anong tago ng sikreto ito ay lalabas din sa tamang panahon
“Walang lihim ang hindi nabubunyag“nangangahulugan na ____
Paggalang
“Ang mga sasakyan ay dahan-dahan ang lakad at ang pagsasabi ng ‘tabi po’ ng mga kutsero ay naririnig maya’t maya.” Ang ikinikilos na ito ng mga kutsero ay nagsasaad lamang ng ____
Mahinahon
Hindi pinansin ni Mr. Leeds ang masamang intensyon ni Ben Zayb; sa halip ay tinugon niya ito ng mahinusay. Sa pagkatao ni Mr. Leeds, mababanaag na siya ay ____
Mapagtago
Si Don Tiburcio de Espadana ay kinupkop ni Padre Florentino sa kanilang tahanan upang maiwasan ang kalupitan ni Donya Victorina. Samakatuwid, likas kay Padre Florentino ang pagiging ____
Matiyaga
Si Ginoong Pasta ay namasukan bilang isang katulongsa mga prayle upang siya ay maging abogado. Ito ay nagpapatunay na siyaay ____
Kahirapan
Sa paaralang pinamamahalaan ng mga prayle na pinapasukan ni Basilioay nakaranas siya ng pangungutya ng mga kaklase maging nang kaniyang guro dahil sa kanyang ayos at pananamit. Anong isyuang maiugnay sa pangyayari?
Kawalan ng pag-asa
Sa kabanata VI ng El Filibusterismo, naisip ni Basilio na magpasagasaupang wakasan ang kahirapang naranasan sa buhay. Anong katangian ng tauhanang mahihinuha sa pahayag?
Ang kahirapan ay hindi hadlang sa tagumpay
Si Basilio ay isangulilang lubos na nagpaalila at nag-aral upang makaahon sa buhay. Alin sa sumusunod na kaisipan ang angkop sa pahayag?
Pagluluksa ng ama sa anak
Dahil sa matinding pagmamahal ni Kapitan Tiago sa kanyang anak na si Ma. Clara, ikinalungkotniya ang kamatayan nito.Ito ay naglalarawan ng ____
Dangal
Ang pagtupad sa tamang oras katulad ng pagdalo sa anumang pagtitipon ay nagpapakilala ng isang taong may ____
Pagkabahala
“Basilio, nakababatid ka ng lihim na maaaring ikasawi ko, at ngayo’y nakatuklas ka ng isa pa na kung mabubunyag ay ikasisira sa aking mga balak, kaya’t ang buo kong buhay ay nasa kamay mo.” Kung ikaw si Basilio, anong damdamin ang mangingibabaw sa’yo matapos matuklasan ang lihim ni Simoun?
Pag-asa
Si Isagani ay may mataas na pangarap sa bayan. Alam niya na itoý maisasakatuparan. Ito ay nagpapakita na si Isagan ay may ____
Mapagmalasakit
“Kapag ako ay nagingganap na doktor at tayo ay nakasal, hindi na kakailanganin ng iyong ama ang kanyang bukirin.” Sa pagsasalita ni Basilio mahihinuhang siya ay ____
Pangarap
Ninais ng mga estudyante na magkaroon ng pagbabago sa bansa upang makamtan ang kalayaan at kaunlaran. Ito ay nagpapakita na ang mga estudyante ay may ____ sa bayan.
Sariling paninindigan
Nalulugod si Padre Fernandez sa mahusay na pagpapahayag ni Isagani lalo na kung ito aynahihinggil sa pagtatanggol sa bayan dahil sa prinsipyong ipinaglalaban. Ipinakikita lamang na si Isagani ay taong may ____
Pagmalasakit sa bayan
Maraming kaisipang ibinahagi si Isagani kay Padre Fernandez na nahihinggil sa pagtatanggol sa bayan. Magpapahiwatig lamang na si Isagani ay may
Tiwalang Pamamahala Noon
Ang Bapor Tabo ay sumasagisag sa ____