Tauhan Flashcards
(15 cards)
Asawa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang. Ayaw niyang magpahalatang nagugustuhan nilang mag-ina ang magaganda at mamahaling alahas upang hindi raw taasan ni Simoun ang presyo ng kanilang mga ibig na alahas.
Kapitana Tika
Ang isa sa matalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere. Siya ay nakapag-asawa na sa nobelang ito. Mabiro at masayahin pa rin. Siya ay anak ng mayamang si Kapitan Basilio at ni Kapitana Tika. Mahilig siya sa antigo, mamahalin, at magagandang alahas.
Sinang
Butihing ina ni Placido Penitente. Kahit balo na, matiyaga niyang pinag- aral ang anak. Naghigpit siya ng sinturon para sa sarili mabigyan lamang ng edukasyon ang anak. Siya ay larawan ng ulirang magulang dahil sinisiguro niyang matutugunan ang mga pangangailangan ng anak.
Kabesang Andang
Isang mayamang mangangalakal na Intsik si Quiroga. Halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan. Iniaangkop niya ang ugali depende sa kanyang kaharap. Isinusulong ni Quiroga ang pagkakaroon ng konsulado ng mga Intsik sa bansa.
Quiroga
Siya ang ama ni Juanito Pelaez. Larawan siya ng mapandustang mangangalakal. Siya ang nakabili ng tahanan ni Kapitan Tiago sa murang halaga. Naging kasosyo siya sa negosyo ni Simoun.
Don Timoteo Pelaez
Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral. Makapangyarihan siya kaya’t iginagalang at pina- ngingilagan ng mga Indio at maging ng mga prayle man. Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon; linisin ang bayan; at lipulin ang lahat ng masasama kahit pa siya mismo ay inuusig din ng kanyang budhi sa paraang kanyang ginagawa.
Simoun
Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinunò ng pamahalaan. Sinasabi niyang kailangang pagbutihin ang kanyang tungkulin at gawain. Nais niyang mag- pakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras kayâ ginagawa niya ang importanteng pagpapasiya habang naglilibang at nagmamadali. Larawan siya ng pinunong pabigla-bigla at makapritsong humatol. Hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan. Salungat siya lagi sa pasiya ng Mataas na Kawani.
Kapitan Heneral
Siya ay isang Espanyol at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang- galang tumutupad sa tungkulin; may paninindigan; at may kapanagutan. Siya ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila. Lagi siyang salungat kapag hindi pinag- isipan at di mabuti o di pinag-aralang masusi ang panukala ng mga opisyal at kawani. Maging ang pasiya ng Kapitan Heneral ay kanyang sinasalungat at tinutuligsa kapag ito ay hindi marapat at mabuti. Siya ay mapanuri at makatarungan.
Mataas na Kawani
Isang mabuti at kagalang- galang na paring Pilipino. Pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata. Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila ito sa magulang.
Padre Florentino
Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot si Placido. May kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa kanyang pagkatao dahil nakakamit pa rin niya ang mga gusto.. Masugid siyang manliligaw ni Paulita Gomez na pinaburan ng kanyang tiyahing si Donya Victorina.
Juanito Pelaez
Isang tunay na Espanyol na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino. Mahilig makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan. Nais niyang mailabas ang katotohanan sa isang usapin.
Sandoval
Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng propesor. Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa. Siya ay may kahambugan; walang ambisyon sa buhay; at malaswang magsalita. Nagdudunung-dunungan siya at nagyayabang sa mga walang-muwang na nilalang.
Tadeo
Isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki. Pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani. Larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili.
Paulita Gomez
Larawan ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi.
Donya Victorina De Espadana
Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Siya ay mapag-isip. Umibig nang lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalagang ito ni Kapitan Tiago.
Padre Bernardo Salvi