Tayutay Flashcards
(12 cards)
Mga salita o pahayag na ginagamit upang maging mas masining ang pagpapahayag ng mga ideya o kaisipan at paglalarawan
TAYUTAY
Paghahambing ng dalawang magkaibang tao,bagay,pangyayari na ginagamitan ng mga salitang naghahambing (tulad,tila,parang,animo’y,…)
“Siya ay tulad ng isang anghel sa kabaitan.”
PAGTUTULAD / SIMILE
Direktang paghahambing ng dalawang magkaibang tao,bagay,pangyayari. Hindi na ginagamitan ng pangatnig.
“Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.”
PAGWAWANGIS / METAPHOR
Ang mga kilos,talino at katangian ng tao ay isinasalin at ipinagagawa sa mga hindi tao sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa
“Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.”
PAGSASATAO / PERSONIFICATION
Katulad lang ng pagsasatao ngunit sa paraan ng paggamit ng pang-uri
“Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.”
PAGLILIPAT-WIKA / TRANSFERRED EPITHET
Nagpapakita ng mga sitwasyong labis-labis o kaya’y pinalalabis ang paglalarawan sa katayuan ng tao,bagay at mga pangyayari
“Dahil sa galit, kaya niyang wasakin ang buong gusaling yan.”
PAGMAMALABIS / HYPERBOLE
Nagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy ng uring ito ng pagpapahayag
“Tatlong taon na siyang nakagapos sa kadena ng nakaraan.”
PAGPAPALIT-TAWAG / METONYMY
Nagbabanggit sa isang bahagi,konsepto kaisipan, upang sakupin o tukuyin ang kabuuan
“Hingin mo ang kaniyang kamay.”
PAGPAPALIT-SAKLAW / SYNECDOCHE
Ginagamitan ng salitang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di pagsang-ayon
“Siya ay hindi isang kriminal.”
PAGTANGGI / LITOTES
Pagpapahayag na positibo at babawiin ang pangalawang pahayag na negatibo
“Kay ganda mo, mukha kang Christmas tree.”
PAG-UYAM / IRONY / SARCASM
Ipinahahayag ang isang di-nakikitang isipan na parang buhay na tao ang kinakausap
“O tukso! Layuan mo ako!”
PAGTAWAG / APOSTROPHE
Nananawagan sa isang taong hindi kaharap subalit animo’y kausap lamang
“Kabataan, gumising ka at kumilos na.”
PAHIRAYA / PROSOPOPOEIA