Tekstong Impormatibo Flashcards
(10 cards)
tekstong impormatibo
ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari
tekstong impormatibo
Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’
Pawang impormasyon at katotohanan lamang ang taglay nito at hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin
halimbawa ng tekstong impormatibo
1.Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng republika ng Pilipinas.
2.Isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan si Virgilio S. Almario.
mga uri ng tekstong impormatibo
- Naglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
- Pag-uulat ng impormasyon
- Pagpapaliwanag
mga layunin ng tekstong impormatibo
1.Nagbibigay ng impormasyon at kaalaman.
2. Nagbibigay ng linaw sa kung paano nangyayari o nangyari ang isang bagay.
3. Pinauunlad ang pagsusuri sa detalye at impormasyon.
naglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
ito ay sumasaklaw sa mga paglalahad ng mga pangyayari sa nakaraan, kasalukuyan, o iba pang panahon.
nakatuon ito sa pagsasalaysay ng mahahalagang kaganapan tulad ng mga nababasa sa mga pahayagan, almanac, at aklat sa kasaysayan.
halimbawa ng naglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
- Naganap ang Bataan Death March noong Abril 1942 sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
- Ginawa ang 2019 Midterm election noong Mayo 13, 2019 at idineklara ni Pangulong Duterte bilang non-working holiday.
halimbawa ng pag-uulat ng impormasyon
*Natagpuan ng mga mananaliksik ang isang antigong bowl o mangkok ng noodles sa China na sinasabing pinakamatanda sa buong mundo
*Ayon sa mga historyador, nagmula ang pangalang Bulacan sa ‘bulak’ dahil laganap daw noon sa lalawigan ang puno ng bulak
pag-uulat ng impormasyon
Nakatuon naman ang uring ito sa pagbibigay ng kaalaman tungkol sa tao, bagay, hayop, at lugar.
Kinakailangan ng pananaliksik sa pagbibigay ng kaalaman sa uring ito ay madalas na bagong impormasyon para sa maraming mambabasa.
pagpapaliwanag
sumasagot sa tanong na ‘paano’ ang ikatlong uri kung paano naganap ang isang bagay.
Hindi man ito nagpapakita ng prosedyur o pagkakasunod, nagbibigay naman ito ng kaliwanagan sa kung paano nangyari ang isang insidente.