Tekstong Naratibo Flashcards

1
Q

Ito ay ang pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.

A

Tekstong Naratibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Layunin nitong magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Layunin din nito sa pangkalahatan na manlibang o magbigay-aliw sa mambabasa.

A

Tekstong Naratibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

nobela, maikling kuwento, tula

A

piksiyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

memoir, biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay

A

di-piksiyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o narinig kaya gumagamit ng panghalip na ako.

A

Unang panauhan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng panghalip na ka o ikaw subalit hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.

A

Ikalawang Panauhan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya o kanya.

A

Ikatlong Panauhan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Dito ay hindi lang iisa ang tagpagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela.

A

Kombinasyong Pananaw o Paningin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo

A

Paksa

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating.

A

Paksa

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan

A

Tauhan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Dalawang uri ng tauhan

A

Expository
Dramatiko

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

a kanya umiikot ang mga pangyayari sa kwento. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang ginagampanan sa kabuuan ng akda.

A

Pangunahing Tauhan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

kilala sa tawag na kontrabida. Sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapgkat ang tunggaliang nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento.

A

Katunggaling tauhan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay ang sumuporta, magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan .

A

Kasamang tauhan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuuan ng akda. Bagama’t ang namamayani lamang ay ang kilos at tingin ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

A

Ang may-akda

17
Q

Tawag sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.

A

Banghay o estruktura

18
Q

Ang________ ay hindi lamang tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari kundi gayundin ang panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.

A

Tagpuan at Panahon

19
Q

Ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan. Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging resolusyon ng kuwento.

A

Komplikasyon o Tunggalian

20
Q

Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ang resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.

A

Resolusyon

20
Q

ginagamit ng manunulat upang maging kapana-panabik ang pagsasalaysay.

A

Pamamaraan ng Narasyon

21
Q

Sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang mga pangyayari.

A

Diyalogo

22
Q

Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.

A

Foreshadowing

23
Q

Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng isang kuwento.

A

Plot Twist

24
Q

Omisyon o pag-aalis ng ilang yugo ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory of Omission ni Ernest Hemingway.

A

Ellipsis

25
Q

Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang mag-bigay linaw sa kuwento.

A

Comic Book Death

26
Q

Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.

A

Reverse chronology

27
Q

Nagsisimula ang narasyon mula sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter, lunan at tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.

A

In Medias Res

28
Q

Isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang “Ars Poetica” kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay. Nagbabago rin ang kahihinatnan ng kuwento at nareresolba ang matitinding suliranin na ‘tila walang solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao, bagay, at pangyayari na hindi naman naipakilala sa unang bahagi ng kuwento.

A

Deus ex machina (God from the machine)