Tukuyin kung paglalarawan sa tauhan,mahalagang bagay,lugar,damdamin Flashcards

(5 cards)

1
Q

Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay parang laging may kulang, pilit kung dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta-basta palamuti, ‘yung mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na taon ay magagandang bulaklak naman ang binili ko. Maraming pulang poinsettia na nakapalligid sa kristmas tri. “Ang ganda!” Ang pagkamanghang sabi ng bawat nakikita. Malalaki at makikintab na pulang bola, malalaki at magagandang poinsettia… ah! Pero bakit ba tila may kulang pa rin?

A

Mahalagang bagay

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Marumi, luma, kinakalawang, gumigiray, nagkalat ang nakaririmarim na basura, naglipana ang mga langaw, mga mangangalakal ng basurang nakasuot ng tagpi-tagping halos basahan na, may taglay ang nakapanlulumong kahirapan at kapangitan.

A

Lugar

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ang puno ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas, binali-bali. Pinagtutuklap ang puno. At sila’y nag-agawan, nagtutulakan, nagsasakitan na, nagkakaballian ng buto.
Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ng puno; patuloy rin ang pagkabuhos ng katawan ng puno. Bumibigat na ang yumayabong at patuloy na tumataas ang puno.

A

Mahalagang bagay

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Noo’y nasa katamtamang gulang na si Ineng na wika nga sa mga nayon ay “pinamimitakan na ng araw “ Ang gulang na iyan ay lalong kilala sa tawag na “dalaginding” ng ating matatanda. Bagamat hindi gaanong kagandahan, si Ineng ay kinagigiliwan naming lubos, palibhasa’y nakakatawag ng loob sa lahat ang pungay ng kanyang mata, ang kulay ng kayumanging kaligatan, ang maganda tabas ng mukha, na sa bilogang pisngi’y may biloy sa kanyang pangngiti’y binubukalan man din ng pag-ibig, ang malagong buhok na kariniwang pusod na pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag-agawan sa nagmamanibalang na mangga, saka ang mga labi’t ngiping nagkakatungunan sa pag-aalay ng luwalhati’t pangarap.

A

Tauhan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

May kumurot sa aking laman. Pilit kung nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka ako napabuntonghininga. Nararamdam kong may nagpupumilit bumalong sa aking mata. Ngayon ko lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama; dati-rati ko ng napapasok ang kapirasong pook na ito.

A

Damdamin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly