Uri ng Tayutay Flashcards
(24 cards)
Ito ay matatalinghagang salita na ginagamit upang maging kaakit-akit ang pahayag.
Tayutay
Ano-ano ang 10 uri ng tayutay?
(1) Pagtawag (Apostrophe)
(2) Pagpapalit-tawag (Metonymy)
(3) Pag-uyam (Irony)
(4) Pagmamalabis (Hyperbole)
(5) Pagwawangis (Metaphor)
(6) Paghihimig (Onomatopoiea)
(7) Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
(8) Pahiman (Euphemism)
(9) Pagtutulad (Simile)
(10) Pagbibigay-katauhan (Personification)
Ito ay ang direktang pakikipag-usap sa isang bagay na hindu makatutugon.
Pagtawag (Apostrophe)
Ito ay ang paggamit ng ibang pangalan upang tukuyin ang isang tao, organisasyon, at iba pa.
Pagpapalit-tawag (Metonymy)
Ito ay ang paggamit ng mga salitang taliwas sa totoong nais ipahayag at kadalasang ginagamit sa pangungutya.
Pag-uyam (Irony)
Ito ay ang mga pahayag na sinasadyang napakalabis o napakakulang upang idiin ang tunay na kalagayan.
Pagmamalabis (Hyperbole)
Ito ay ang paghahalintulad ng dalawang bagay na hindi gumagamit ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo, at iba pa.
Pagwawangis (Hyperbole)
Ito ay ang paggamit ng tunog bilang representasyon sa isang buhay o hindi buhay na bagay.
Paghihimig (Onomatopoiea)
Ito ay ang paggamit sa bahagi o parte ng isang tao o bagay upang maging kinatawan ng kaniyang kabuuan.
Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
Ito ay ang mga salitang ipinapalit sa mga pahayag na malaswa, marahas, at makapagdaramdam.
Pahiman (Euphemism)
Ito ay ang paghahambing ng dalawang magkaibang tao, bagay, hayop, pangyayari na may pagkakapareho at gumagamit ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo, at iba pang katulad.
Pagtutulad (Simile)
Ito ay ang paggamit ng mga salitang nagbibigay ng panaong katangian sa hayop o bagay.
Pagbibigay-katauhan (Personification)
Anong uri ng tayutay ang nasa halimbawa?
Wala nang mas babait pa sa kaibigan kong kasingbait ni Hudas.
Pag-uyam (Irony)
Anong uri ng tayutay ang nasa halimbawa?
Sumakabilang-buhay na ang aso ni Emma.
Pahiman (Euphemism)
Anong uri ng tayutay ang nasa halimbawa?
Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
Pagbibigay-katauhan (Personification)
Anong uri ng tayutay ang nasa halimbawa?
Ang puso niya ay bato.
Pagwawangis (Metaphor)
Anong uri ng tayutay ang nasa halimbawa?
Suwerto, dumapo ka sa akin at ako’y payamanin.
Pagtawag (Apostrophe)
Anong uri ng tayutay ang nasa halimbawa?
Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong.
Paghihimig (Onomatopoiea)
Anong uri ng tayutay ang nasa halimbawa?
Siya ay tulad ng bituin.
Pagtutulad (Simile)
Anong uri ng tayutay ang nasa halimbawa?
Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
Pagpapalit-tawag (Metonymy)
Anong uri ng tayutay ang nasa halimbawa?
Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo kahit kailan!
Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
Anong uri ng tayutay ang nasa halimbawa?
Mamamatay ako kung wala ka.
Pagmamalabis (Hyperbole)