Week 2 Flashcards
(20 cards)
Ito ay akdang pampanitikang nagtuturo ng kilalang pamantayang moral. Karaniwang batayan ng mga kwento ay nasa Bibliya.
Parabula
Ito ay ang salitang Greek kung saan galing ang parabula. Ito ay nangangahulugang pagtabihin at pagtularin ang dalawang bagay
Parabole
Pa-ra-bo-le
Ginagamit ito ng parabula. Ito ay mga matalinhagang mga pahayag upang bigyang-diin ang kahulugan. Ano ito?
Simile at metapora (tayutay)
Elemento ng parabula
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Aral
Ito ay nakatutulong sa pag-unawa ng mensaheng diskurso. Gumagamit ng salitang nag-uugnay ng isang idea sa kasunod na idea
Cohesive devices
Ano ang tawag sa cohesive devices sa salitang Filipino?
Pang-ugnay
Ito ay tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o dalawang sugnay. Ano ito?
Pang-ugnay
Ano-ano ang mga uri ng pang-ugnay?
Pangatnig
Pang-ukol
Pang-angkop
Salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay ba pinagsusunod-sunod sa pangungusap o ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan
Pangatnig
Magbigay ng tatlong halibawa ng pangatnig
At
Kahit
Sa halip
Salitang naguugnay sa pangngalan o panghalip sa iba pang salita sa nga pangungusap.
Pang-ukol
Magbigay ng tatlong halimbawa ng pang-ukol
Para sa/kay/kina
Ng
Nasa
Gumagamit ng na,-ng,-g. Ito ay naguugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan
Pang-angkop
Tatlong uri ng pang-angkop
-ng
-g
na
Pang-angkop na hindi nakadikit. Ginagamit ito kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant) maliban sa “n”
Na
Pang-angkop na ikinakabit sa unang salita. Ginagamit kung ang unang salita ay magtatapos sa patinig (vowel).
-ng
Pang-angkop na ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa “n”. Ikinakabit ito sa unang salita
-g
Ano ang mga gamit ng pang-ugnay?
- Pagdaragdag at pag-isa-isa ng mga impormasyon
- Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pagiisa-isa ng mga impormasyon
Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan
Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal