WIKA Flashcards
(18 cards)
Maraming magagandang probisyong pangwika ang nakapaloob dito kaugnay sa pagtuturo at paggamit ng Filipino bilang wikang Panturo.
KONSTITUSYON NG 1987
Ano ang dalawang wika na gagamitin bilang midyum sa pagtuturo sa lahat antas ng edukasyon na tinutukoy sa Patakarang Edukasyon Bilingwal?
Filipino at Ingles
And edukasyong bilingwal ay ang magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak na aralin sa kurikulum. Anong kautusang pangkagawaran ang nagsasaad nito?
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52
Ano ang tawag sa wikang gagamitin na pantulong sa mga tiyak na pangangailangan sa pagtuturo at pag-aaral sa iba’t ibang lugar at rehiyon?
BERNAKULAR
Ayon sa kanya, isa sa pinakaepektibong tagapagpalaganap ng batayang kaalaman sa Filipino ay ang sistema ng paaralan.
Gonzales, 1998
Dalawa ang binigay ni Gonzales na dapat bigyang tuon sa pagtuturo ng Filipino sa Elementarya.
- Sa mga nagsasalita na ng Filipino
2. Sa mga di Tagalog na kailangan pang maging bihasa sa Filipino
Siya ang nagsabi na dapat matutunan na ng mga mag-aaral sa sekondarya na harapin ang mga gawain para sa mas mataas na order-kognitibo sa Filipino.
Jean Piaget
Ito ang tawag sa walang kakayahang makagamit ng anumang wika sa gawaing pangangailangan ng mas mataas na order ng kognisyon.
SEMILINGUAL
Isang pagpapahayag tungkol sa mga referent o bagay/tao na hindi nakikita kundi nasa ibang lugar
DISPLACED SPEECH
Naniniwala si Gonzales na dapat ito na ang lebel na gagamitin ng mga nasa tersarya upang matuto sila sa paggamit ng Filipino sa higit na mataas na abstraktong pag-iisip sa mga espesyal na paksa.
Cognitive Academic Language Proficiency (CALP)
Dapat turuan na ang mga nasa kolehiyo ng patungkol sa balarila dahil sa makatutulong ito sa mas mataas na kasanayang pangwika. Oo o hinde?
Hinde, dahil sa ang balarila ay isang abstraktong disiplinang teoretikal at ito ay para sa kasanayang pagsusuri sa araling linggwistika.
Ang pagbabasa ng mga mahihirap na teksto ng mga nasa tersarya ay paraan upang malinang nila ang mas mataas na antas ng kasanayang pagbasa. Oo o hinde?
Oo
Siya ang nagsabi na kapag natamo ang CALP sa unang wika ay magagamit o maililipat sa iba pang wika na matutuhan ng isang tao.
Cummins, 1981
Ito ang dahilan kung bakit higit na magagaling ang ilang mga mag-aaral mula sa ibang bansa na lumilipat sa paaralan sa Amerika.
CALP
Ang Apat na Kaparaanan sa Wika
- Pakikinig
- Pagsasalita
3, Pagbasa - Pagsulat
Punan ang patlang
Sa prosesong ____ at _____, kasangkot nito ang pagbuo ng pagpapakahulugan mula sa mensahe o wikang galing sa ibang tao.
Pakikinig at Pagbasa
Punan ang patlang
Sa prosesong ____ at _____, kasangkot nito ang pagbuo ng isang mensahe at pagbabahagi nito sa pamamagitan ng wika.
Pagsasalita at Pagsulat
Naniniwala si Smith na ang mga bata ay hindi nangangailangan ng pagbuo ng pagpapakahulugan tungo sa pagtatamo at pagkatuto ng wika na integral sa bahagi ng bawat aralin sa kurikulum. Oo o hinde?
Hinde