yunit 3 Flashcards
(30 cards)
tumutukoy sa mga akdang nasusulat o nasasabi na naglalaman ng damdamin, kaisipan, karanasan, aral, at pangarap ng sangkatauhan
panitikan
isang anyo ng
panitikan na isinulat sa patalatang paraan
at gumagamit ng natural na wika
Tuluyan o prosa
mahabang salaysayin na nahahati sa mga kabanata at tumatalakay
sa mga kompleks na pangyayari at tauhan.
Nobela
maikling salaysay
na may iisang pangunahing tauhan
Maikling Kuwento:
kwento kung saan ang mga
hayop ang pangunahing tauhan
Pabula
Maikling salaysay ng isang makatawag-pansing pangyayari sa buhay ng isang tao
Anekdota
akdang itinatanghal sa
entablado na naglalarawan ng mga pangyayari sa pamamagitan ng diyalogo
Dula
kwentong bayan na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay
Alamat
anyo ng panitikan na nagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at mga karanasan ng tao sa pamamagitan ng mga salita na may sukat at tugma
akdang patula
Nagkukuwento ng mga pangyayari,
maaaring batay sa katotohanan
Pasalaysay
kadalasan ay may kasamang musika at kilos.
Tulang Pantanghalan
paligsahan sa pagtula kung
saan ang mga makata ay nagtutunggali sa
pagbigkas ng tula.s.
Tulang Patnigan
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Banghay
tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Tunggalian
binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
pamumuhay, at hanap buhay ng mga tao sa nasabing pook.
Kwento ng katutubong kulay
ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan
Kwentong sikolohiko
pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda
Bisang
Pangkaasalan
tula na may sukat, tugma, at mga salitang may malalim na kahulugan.
Tradisyonal
tula nang walang sinusunod na patakaran
Malayang
Taludturan
tula na may sukat ngunit walang tugma.
Berso Blangko
tumutukoy sa bagay na binabanggit
Talinghaga
salita na pumupukaw sa damdamin at kawilihan.
Kariktan
grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya
Saknong
nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may akda
Tulang Liriko