2nd Week Flashcards
(87 cards)
Ano ang ibig sabihin ng salitang ‘epiko’?
Mula sa Griyego na “epos” na nangangahulugang awit o salita.
Paano ipinahahayag ang epiko?
Pasalita, patula at paawit.
Ano ang pangunahing tema ng mga epiko?
Pakikipagsapalaran at kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nahihigit sa karaniwang tao.
Ano ang haba ng isang epiko?
Mula 1,000 hanggang 55,000 na liya.
Ano ang layunin ng mga epiko?
Magpanatili sa kultura at kasaysayan pati na rin ang pagtuturo ng mabuting asal.
Ano ang tawag sa epikong-bayan ng mga Sulod?
Hinilawod.
Sino ang mga pangunahing tauhan sa Hinilawod?
Sina Labaw Donggon at Humadapnon.
Ilan ang taludtod ng Labaw Donggon?
3,822 na taludtod.
Sino ang inawit ang Labaw Donggon?
Ulang Uding, isang babaylan sa Lambunao, Iloilo.
Ilan ang taludtod ng Humadapnon?
53,000 na taludtod.
Sino ang inawit ang Humadapnon?
Hugan-an, isang pinuno ng relihiyon sa kanilang baryo sa Tapaz, Capiz.
Ano ang pinakamahabang epiko sa buong Pilipinas?
Hinilawod.
Ano ang ibig sabihin ng ‘Hinilawod’?
Tunog ng dagat.
Ano ang mga aspeto ng kultura na nagbibigay ng pagkakakilanlan at kahulugan?
Wika, Relihiyon, Pagkain, Sining, Kasaysayan, Pamumuhay, Pagbihis, Pagpapahalaga at Paniniwala.
Ano ang tawag sa tekstong biswal na binubuo ng dayalogo, salita at larawan?
Komiks.
Sino ang kauna-unahang nagsulat ng komiks sa Pilipinas?
Dr. Jose P. Rizal.
Ano ang mga bahagi ng komiks?
- Pamagat ng Kuwento
- Larawang Guhit ng Tauhan
- Panel
- Frame (Kuwadro)
- Shot Types
- Narration Box (Kahon ng Salaysay)
- Speech Bubbles (Lobo ng Usapan)
Ano ang panel sa komiks?
Isang indibidwal na frame na binubuo ng isang solong imahe na nagpapakita ng isang pangyayari.
Ano ang close-up shot?
Ang ulo ng paksa ay sumasakop sa karamihan ng panel.
Ano ang mid shot?
Ang paksa ay nakikita mula sa baywang pataas.
Ano ang long shot?
Ang buong katawan ng paksa ay nakikita pati na rin ang ilang bahagi ng kapaligiran.
Ano ang mga uri ng speech bubbles?
- Thought Bubbles
- Icicle Bubbles
- Scream Bubbles
- Whisper bubbles
Ano ang onomatopeya?
Mga salita na ginagaya o kumakatawan sa tunog na kanilang inilalarawan.
Ano ang setting sa isang kwento?
Oras at lugar kung saan nangyayari ang kwento.