Ang Mga Unang Tao sa Daigdig Flashcards
(24 cards)
tumutukoy sa proseso ng pag-unlad sa paraan ng pamumuhay ng mga unang tao dulot ng pakikiayon sa mga pagbabagong naganap sa kanilang kapaligiran.
Ebolusyong Kultural
dalawang malalawak na kultura
Panahong Paleolitiko at
Panahong Neolitiko
panahon ng lumang bato
Panahong Paleolitiko
panahon ng bagong bato
Panahong Neolitiko
Ngunit sa ilang bansa tulad ng Japan, sila ay dumaan sa Panahong Mesolitiko. Tama o Mali?
Tama
Saan nagmula ang salitang Paleolitiko?
“palaois”, na nangangahulugang “luma” at “lithos, na nangangahulugang “bato”.
Saan lubusang umaasa ang mga tao sa Panahon ng Paleolitiko pagdating sa pagkain?
Kapaligiran
Ano ang tungkulin ng isang lalake sa panahon ng Paleolitiko
Pangangaso
Ano ang tungkulin ng isang babae sa panahon ng Paleolitiko?
pangangalap ng pagkain at kumakalinga sa kanilang anak
Ilang kasapi ang dapat mayroon upang maging isang ganap na tribo?
50 - 100 kasapi
Magbigay ng isang tungkulin ng isang pinuno sa tribo noong Panahong Paleolitiko
Siya ang nagpapasiya kung paano haharapin ng tribo ang mga pagsubok mula sa ibang tribo at panganib mula sa kapaligiran tulad ng kalamidad.
;
Nagpapanatili ng kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng distribusyon ng mga imbak na pagkain.
Ang mga sinaunang tao sa kapanahunan ng Paleolitiko ay _________ o walang permanenteng tirahan.
Lagalag
Ano ang mga kasangkapan noong Panahong Paleolitiko?
Bato
Isa sa pinakamahalagang pagtuklas sa Kasaysayan ng Tao
Pagtuklas ng Apoy
Ano-ano ang mga teorya tungkol sa pagtungklas sa apoy?
- Aksidenteng pagtama ng kidlat sa isang punong kahoy
- Pagkiskis ng dalawang kahoy
- Wildfire
Sa panahong ito, higit na umasa ang unang tao sa kaniyang kakayahan kaysa sa kaniyang kapaligiran.
Panahong Neolitiko
Saan nagmula ang salitang “Neolitiko”?
pinagsamang salitang greek na “naois” na nangangahulugang “bago,” at “lithos”, na nangangahulugang “bato”
Ano ang mga kasangkapang ginamit sa Panahon ng Neolitiko?
makinis na kagamitang bato tulad ng Jade
Dahil sa pagi-init ng temperatura, naging angkop din ang temperatura ng daigdig para sa pagtatanim.
Pagsisimula ng Agrikultura
Dahil sa pagdami ng tao, umigting ang kompetisyon para sa limitadong pagkain. Bunsod nito, kinailangan ng unang tao na humanap ng iba pang mapagkukunan ng pagkain. Tama o Mali?
Tama
Mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain ay natuto ang mga unang tao na magtanim at magsaka. Ito ang nagbigay-daan sa pagkakaroon g rebolusyong agricultural.
Neolithic Revolution
Magbigay ng isang epekto ng Agrikultura
Nagkaroon ng seguridad sa pagkain
Hindi na kailangang magpalipat-lipat ng tirahan upang mangaso at mangalap ng pagkain
Nadagdagan din ang mapagpipilian nila ng makakain
Natutunang gumawa ng mga sisidlan, tulad ng palayok
Panahong nagsimula nang magtayo ng permanenteng tirahan ang mga unang tao
Urban Revolution
Kahalagahan ng Neolithic Revolution at Urban Revolution
Ang mga pagbabagong naganap kaugnay nito ang nagsilbing tulay mula sa panahong prehistoriko tungo sa panahong historiko. Gamit ang kanilang mga natutunan ay higit na napaunlad ng mga unang tao ang antas ng kanilang pamumuhay tungo sa pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.