ANG PAGTUTURO NG PAKIKINIG Flashcards
(30 cards)
Kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng kausap. Nakapaloob dito ang pag-unawa s diin at bigkas, balarila at talasalitaan, at pagpapakahulugan sa nais iparating ng nagsasalita.
PAKIKINIG
- Paghihinuha kung ano ang magiging paksa ng usapan
- Paghuhula ng hindi kilalang salita at parirala
- Paggamit ng sariling kaalaman sa paksa para sa dagliang pag-unawa
- Pagtukoy sa mahahalagang kaisipan at pagbabalewala ng mga di mahahalagang impormasyon
- Pagpapanatili ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pagtatala o paglalagom
- Pagkilala ng mga diskors marker kagaya ng kung gayon, ngayon, sa wakas at iba pa
- Pagkilala sa mga cohesive devices kagaya ng pangatnig, panghalip at iba pa
- Pag-unawa sa iba’t ibang hulwarang inotasyon at paggamit ng diin
- Pag-unawa sa mga pahiwatig na impormasyon
KASANAYANG MICRO (ENABLING SKILLS) SA PAKIKINIG
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (MIDYUM)
Tunog ang midyum. Ginagamit ang mga sangkap sa pagsasalita at tainga sa pakikinig.
PAGSASALITA
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (MIDYUM)
Mga salitang nakalimbag sa pahina ang midyum.
PAGSULAT
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (KAPARAANAN)
Mga katangiang paralingguwistik at mga katangiang etnolingguwistik ay ginagamit na pantulong sa pakikipagtalastasan
PAGSASALITA
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (KAPARAANAN)
Tanging mga salita sa isang pahina at mga pananda
PAGSULAT
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (PIDBAK)
Nalalaman agad ang tugon
PAGSASALITA
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (PIDBAK)
Nahuhuli ang pidbak
PAGSULAT
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (WIKA)
Karaniwang payak ang mga pangungusap at talasalitaan
PAGSASALITA
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (WIKA)
Mga supistikadong pangungusap at talasalitaan
PAGSULAT
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (PAGBUO)
Karaniwang maligoy at kakaunting organizational markers ang ginamit
PAGSASALITA
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (PAGBUO)
Maayos at pinag-iisipang mabuti ang pagbuo ng mga kaisipan
PAGSULAT
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (PAGSASAGAWA)
Maraming maling pagsisimula, pagpupuno, paghinto at iba pa
PAGSASALITA
PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT (PAGSASAGAWA)
May pagwawasto at pagrerebisa kaya halos walang mali
PAGSULAT
Isinasagawa kasabay ng iba pang gawain
MARGINAL O PASSIVE NA PAKIKINIG
Maaaring malapit sa nagsasalita o nag-uusap para sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng usapan
MASIGASIG NA PAKIKINIG
Nagsusuri at naghahatol sa kawastuhan ng mensaheng napakinggan
MAPANURING PAKIKINIG
Isinasagawa nang may lugod at tuwa sa isang kuwento, dula, tula, at musika
MALUGOD NA PAKIKINIG
Ang ating mga tainga ay palagi nang may tunog na naririnig. Gayunpaman, hindi natin binibigyang pansin ang lahat ng ating napakinggan. Nag-uumpisa lamang ang ating pakikinig kapag binibigyang pansin na natin ang mga tunog na napakinggan at gumagawa na tayo ng pagsisikap upang maunawaan at maipaliwanag ang mga ito
PAGDINIG VS. PAKIKINIG
Kapag may narinig ang isang tagapakinig, maaaring may maaalala siyang dating kaalaman na maiuugnay niya sa napakinggan at ito ang magiging patnubay niya upang hulaan ang uri ng impormasyong maaari niyang mapakinggan
PROSESONG TOP-DOWN
Kung ang napakinggan ay hindi nakapupukaw sa alinmang impormasyong dating alam ng tagapakinig, kailangang gamitin na ang prosesong ito. Ito ay ang unti-unting pagbuo ng kahulugan (building blocks) sa pamamagitan ng pagbubuo ng pag-unawa sa lahat ng datos linggwistika.
PROSESONG BOTTOM-UP
Kasabay ng pakikinig ng tao ay bumubuo na siya ng sariling pagpapakahulugan. Tinutukoy niya ang mga pangunahing ideya at mga panuportang detalye
AKTIBONG PROSESO NG PAKIKINIG
Dahil sa limitasyon ng ating memorya habang nakikinig, gumagawa tayo nito kung saan ang tekstong pinakikinggan ay kinukumpol natin sa maliliit na pangkat ng mga salita
PAGKUKUMPOL (CLUSTERING)
Ang pasalitang wika ay totoong maligoy. Ang ganitong pag-uulit ay nakatutulong sa tagapakinig sa pagpapakahulugan ng napakinggan dahil maaari itong magbigay ng mahabang panahon at dagdag impormasyon para sa pag-iisip.
PAG-UULIT (REDUNDANCY)