AP Flashcards
(55 cards)
Ano ang karapatang pantao?
Mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang
Kabilang dito ang mga pangangailangan upang mabuhay ng may dignidad.
Ano ang uri ng karapatang pantao na taglay ng tao kahit hindi ipinagkaloob ng Estado?
Karapatang Likas o Natural
Halimbawa: karapatang mabuhay, karapatang magkaroon ng sariling identidad.
Ano ang mga karapatang ipinagkaloob ng Estado?
Karapatang ayon sa Batas (Legal Rights)
May dalawang uri: Constitutional Rights at Statutory Rights.
Ano ang mga halimbawa ng Constitutional Rights?
Mga karapatang nagmula sa 1987 Konstitusyon
Maaaring baguhin ito gamit ng amendments.
Ano ang mga halimbawa ng Statutory Rights?
Minimum wage, free education, inheritance
Mga karapatang nagmula sa batas na ipinasa ng Kongreso.
Ano ang kahulugan ng Sibil o Panlipunan na karapatan?
Magkaroon ng personal na kalayaan at disenteng pamumuhay
Halimbawa: free speech, security.
Ano ang pampolitika na karapatan?
Makilahok ang mamamayan sa pangangasiwa ng pamahalaan
Halimbawa: pagboto, pagsali sa referendum at plebisito.
Ano ang pangkabuhayan na karapatan?
Magkaroon ng trabaho, ari-arian, at paggamit ng yaman
Halimbawa: pagsulong ng negosyo.
Ano ang pangkulturang karapatan?
Makibahagi sa tradisyon, pag-uugali, at paniniwala
Halimbawa: fiesta.
Ano ang karapatan ng akusado?
Proteksyon sa mga taong inakusahan ng krimen
Halimbawa: innocent until proven guilty.
Ano ang nilalaman ng Bill of Rights?
Nakatagpo sa Article III ng Philippine Constitution
Dito nakapaloob ang mga karapatang pantao na dapat tinatamasa ng bawat mamamayan.
Ano ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR)?
Naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal
Binansagan bilang ‘International Magna Carta for all Mankind’.
Ano ang UN Convention on the Rights of the Child (UNCRC)?
Karapatang pantao ng mga indibidwal na may gulang na 17 at pababa
Mahalaga ito upang magkaroon ng mabuti at ligtas na buhay.
Ano ang Magna Carta of Women?
Dokumento na naglalahad ng gender equality at proteksyon sa mga kababaihan
Republic Act No. 9710.
Ano ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao?
Pagpatay, anumang uri ng karahasan, at pang-aabuso
Ang paglabag ay anumang karapatan na hindi natatamasa.
Ano ang pisikal na paglabag?
Nasaktan ang pisikal na pangangatawan ng tao
Halimbawa: pananakit at pagsugat.
Ano ang sikolohikal at emosyonal na paglabag?
Mabigat na pakiramdam at trauma dulot ng pisikal na paglabag
Halimbawa: panlalait at pang-aalipusta.
Ano ang estruktural at sistematikong paglabag?
Walang kabuhayan at mababang kalayaan sa lipunan
Halimbawa: ordinaryong mamamayan ay hindi nabibigyan ng atensyon.
Sino ang mga halimbawa ng lumalabag sa karapatang pantao?
Mga magulang, kawani, opisyal, kriminal, terorista
Mga tao sa paligid na may kapangyarihan.
Ano ang kahulugan ng sex?
Biyolohikal na pagkakaiba na hindi nagbabago
Halimbawa: male kung may penis, female kung may breasts o vagina.
Ano ang gender?
Kultural at sosyal na pagkakaiba na maaaring magbago
Ang kasarian ay dinamiko.
Ano ang gender identity?
Piniling kasarian ng isang tao
Kung ano ang ginagampanan niya sa buhay.
Ano ang gender role?
Papel na pinaniniwalaan ng lipunan batay sa kanilang sex
Halimbawa: inaasahang gampanan ng lalaki at babae.
Ano ang diskriminasyon?
Hindi makatarungang pagtrato dahil sa kasarian
Maaaring magdulot ng gender inequality.