AP Flashcards
(90 cards)
Ano ang Ekonomiya
kalipunan ng mga gawain ng tao, konstitusyon, pamayanan, at institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, pagpapalitan, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo
Saan galing ang salitang ekonomiya
sa griyegong salitang “OIKONOMOS” na nangangahulugang tagapamahala ng sambahayan
Ano ang unang prinsipyo ng pagpapasiyang pangkabuhayan
Lahat na bagay ay may kapalit (Trade-off)
Ano ang pangalawang prinsipyo ng pagpapasyang pangkabuhayan
ang pagpapasiya ay bunga ng pagtitimbang ng kapakinabangan at kabayaran o kapalit (opportunity cost)
Ano ang pangatlong prinsipyo ng pagpapasiyang pangkabuhayan
Ang pagpapasiya ay nagbabago batay sa dagdag na kapakinabangan o dagdag ng kapalit (Marginalism)
Ano ang pangapat na prinsipyo ng pagpapasiyang pangkabuhayan
Ang pagpapasiya ay ayon sa makukuhang insentibo (common sense)
Ano ang dalawang sangay ng ekonomiks
Microekonomics at Macroeconomiks
Sino si Adam Smith
Siya ay ang ama ng makabagong ekonomiks. Pilosopong galing sa Scotland na unang tinawag bilang political economist. Nakilala rin ang kaniyang mga akdang The Theory of Moral Sentiments (1759) at ang The Wealth of Nations (1776).
Sino si John Maynard Keynes
Siya ang tinaguriang “Ama ng Macroeconomics”; ekonomistang British na nagsaliksik upang maipaliwanag ang sanhi at solusyon sa depresyong pang-ekonomikal na naranasan ng mundo noong 1930. Ang kaniyang mga pag-aaral ang naglatag sa pundasyon ng pagsilang ng tinatawag na Keynesian Economics.
Sino si David Ricardo
Isa siyang ekonomistang British na nanguna sa pag-aaral ng kahalagahan ng lupa bilang salik ng produksiyon kasama ng isa pang ekonomista na si James Mill. Ang kaniyang pinakamahalagang kontribusyon sa ekonomiks ay ang tinatawag na theory of comparative advantage
Sino si Milton Friedman
Isa siyang Amerikanong ekonomista at estadistiko na pinarangalan ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences noong 1976.
Sino si Karl Marx
Siya ay isang pilosopo at sosyolohistang Aleman na may mahalagang kontribusyon din sa ekonomiks dahil sa kaniyang pagpapahalaga sa uring manggagawa. Ang kaniyang akdang Das Kapital ay nagsasaad ng kaniyang hindi pagkagusto sa kapitalismo at pagkiling sa paglawak ng simulaing komunismo.
Sino si David Hume
Tulad ni Smith, isa rin siyang pilosopo at ekonomistang Scottish. Tinutukan niya ang kahalagahan ng panlabas na pakikipagkalakalan na maaaring maging tulay sa pag-unlad ng ekonomiya. Ang kaniyang teoryang Hume’s fork ay ginagamit sa pag-aaral ng ethics o etika.
Sino si Irving Fisher
Isa siyang Amerikanong ekonomista na nakilala sa mga konseptong tinawag na Fisher equation at Fisher separation theorem. Ang kaniyang quantity theory of money ang naging batayan ng konsepto ng monetarismo ni Friedman.
Sino si Thomas Robert Malthus
Siya ay isang demograpo at political economist na naging kontrobersiyal dahil sa kaniyang mga nabuong pagpapalagay tungkol sa pagsusuri ng epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon. Ang pag-aaral na ito ay nakilala bilang Malthusian growth model.
Sino si Ludwig Von Mises
Isa siyang ekonomistang Austrian na nakilala sa konseptong tinawag niyang praxeology. Ilan sa kaniyang mga akda ay ang The Theory of Money and Credit, Socialism: An Economic and Sociological Analysis, Human Action, at The Theory and History. Ang kaniyang mga teorya sa business cycles ang naging pundasyon na pinaunlad ni Friedrich Hayek na kaniyang mag-aaral.
Ano ang praxeology
teoryang patungkol sa mga dahilan sa pagkilos ng tao batay sa pagpapalagay na siya ay may layunin o hangarin sa bawat gagawin niyang aksiyon
Sino si Friedrich Hayek
Siya ay ekonomistang Austrian na umayon sa liberalism ng klasikal at kapitalismong nakasanlig sa malayang pamilihan. Tumanggap siya ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences noong 1974 kasama ng isa pang ekonomistang galing sa Sweden na si Gunnar Myrdal.
Sino si Jean-Baptiste Say
Isa siyang ekonomistang Pranses na nakilala sa teorya na Say’s law na nagsasaad na ang supply ang lumilikha ng demand, taliwas sa ibang teorya na demand muna bago supply. Ang kaniyang akda na pinamagatang Treatise on Political Economy ay nagtataglay ng kaniyang suporta sa kompetisyon at malayang pamilihan.
Sino si Joan Robinson
Isa siyang babaeng ekonomistang British na sumusog sa neo-klasikal na pananaw at naging tagasuporta rin ng post-Keynesian economics. Ang kaniyang kontribusyon sa agham ay tinawag na Cambridge growth theory at Amoroso-Robinson relation.
Sino si James Tobin
Isa siyang Amerikanong miyembro ng Keynesian School of Thought. Nakilala siya sa kaniyang Tobit model.
Sino si Amartya Sen
Nagmula siya sa bansang India at nakilala sa kaniyang human development theory na kombinasyon ng mga konseptong ecological economics, sustainable development, welfare economics, at feminist economics. Pinarangalan siya ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences noong 1998 at napabilang sa 100 most influential persons ng Time Magazine noong 2010.
Sino si Paul Krugman
Siya ay Amerikanong ekonomista na nakilala sa kaniyang pagtutok sa international economics. Ilan sa kaniyang mga naging pag-aaral ay tungkol sa international trade theory, new trade theory, at new economic geography na naging batayan sa tinanggap niyang Nobel Memorial Prize in Economic Sciences noong 2008. Bilang kolumnista ng The New York Times, patuloy pa rin siya sa paglilimbag ng mga artikulo na tumatalakay sa ekonomiya lalo na sa United States.
Ano ang Kakapusan?
Kakulangan na walang solusyon, at natural, dahil ito ay limitasyon ng pinagkukunang yaman