Aralin 1 Flashcards
(9 cards)
Kailan naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig?
Mula Hulyo 28, 1914 hanggang Nobyembre 11, 1918.
Ano ang isa pang tawag sa Unang Digmaang Pandaigdig?
Dakilang Digmaan.
Anong mga alyansa ang naglaban sa Unang Digmaang Pandaigdig?
Alyadong Puwersa at Sentrong Puwersa.
Sino ang mga pangunahing bansa sa Alyadong Puwersa?
Pransiya, Britanya, Rusya (lumabas noong 1917), Italya (sumali 1915), Estados Unidos (sumali 1917), at Hapon.
Sino ang mga pangunahing bansa sa Sentrong Puwersa?
Alemanya, Austria-Hungary, Imperyong Ottoman (Turkey), at Bulgaria.
Ano ang direktang nagpasimula sa Unang Digmaang Pandaigdig?
Ang deklarasyon ng digmaan ng Austria-Hungary laban sa Serbia noong Hulyo 28, 1914.
Anong pangyayari ang naging dahilan ng deklarasyon ng digmaan ng Austria-Hungary sa Serbia?
Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria-Hungary sa Sarajevo noong Hunyo 28, 1914.
Sino ang pumatay kay Archduke Franz Ferdinand?
Si Gavrilo Princip, isang nasyonalistang Serbiano.
Bakit nasangkot ang Great Britain sa Unang Digmaang Pandaigdig?
Dahil sa obligasyon sa mga treaty at sa paglabag ng Alemanya sa neutralidad ng Belgium.