aralin 3 Flashcards
(14 cards)
Ano ang Teatro ng Pasipiko sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Isang malawak na larangan ng digmaan sa Asya at Karagatang Pasipiko sa pagitan ng mga Alyado at Imperyo ng Hapon.
Anong mahalagang pangyayari ang naganap sa Pearl Harbor?
Ang sorpresang pag-atake ng Hapon sa base militar ng Estados Unidos noong Disyembre 7, 1941, na nagtulak sa US na sumali sa digmaan.
Bakit mahalaga ang Labanan sa Midway?
Nagresulta ito sa malaking pagkatalo ng Hapon at naging turning point ng digmaan sa Pasipiko.
Ano ang pinakamalaking labanang pandagat sa kasaysayan ng pilipinas?
Labanan sa Leyte Gulf noong Oktubre 1944.
Ano ang naging layunin ng Hapon sa Labanan sa Leyte Gulf?
Pigilan ang pananakop ng mga Alyado sa Pilipinas.
Ano ang huling malaking labanan sa Pasipiko?
Labanan sa Okinawa (Abril–Hunyo 1945).
Anong lungsod sa Japan ang binomba ng “Little Boy”?
Hiroshima noong Agosto 6, 1945.
Anong lungsod ang binomba ng “Fat Man”?
Nagasaki noong Agosto 9, 1945.
Ano ang Holocaust?
Sistematikong pag-uusig at pagpatay ng mga Nazi at kolaborador nila sa humigit-kumulang anim na milyong Hudyo.
Ano ang “Iron Curtain”?
Ideolohikal at pampulitikang hangganan na naghati sa Europa sa Kanluran (pro-US) at Silangan (pro-Sobyet).
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Kanlurang at Silangang Europa pagkatapos ng digmaan?
Kanluran ay demokratiko at kapitalista; Silangan ay komunista at nasa ilalim ng impluwensya ng USSR.
Anong military alliance ang binuo ng mga bansang komunista sa Silangang Europa?
Warsaw Pact.
Anong tulong ang ibinigay ng US sa Kanlurang Europa para sa muling pagbangon?
Marshall Plan.
Anong mga kagamitan ang malawakang ginamit at napaunlad sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Eroplanong pandigma, tangke, at bomba atomika.