Aralin 1 - ANG SULATING PANANALIKSIK Flashcards

(35 cards)

1
Q

Ang pananaliksik ay sistematikong pagsusuri sa pamamagitan ng imbestigasyon at paggawa ng eksperimento.

A

Tama

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ang pananaliksik ay ginagawa upang patunayan ang katotohanan ng isang teorya.

A

Tama

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ang pananaliksik ay ginagawa lamang ng mga siyentipiko at mananaliksik.

A

Mali

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ang pananaliksik ay maisasagawa sa pagkopya ng iba’t ibang materyales at pagsama-samahin ito sa isang sulatin.

A

Mali

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Hindi mahalaga na matutuhan ang mga kasanayan sa pagsasagawa ng pananaliksik.

A

Mali

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ang pananaliksik ay magagamit sa medisina, sikolohiya, at negosyo.

A

Tama

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ang pananaliksik ay nakatutulong upang makatuklas ng mga bagong impormasyon, pangyayari, bagay, o imbensyon.

A

Tama

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ang pananaliksik ay magagamit lamang sa mga agham at matematika, ngunit hindi sa agham panlipunan.

A

Mali

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Kailangan sa pananaliksik ang pagiging maingat, mapanuri, at makatotohanan.

A

Tama

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ang pananaliksik ay maaaring magbunga ng solusyon sa isang suliranin.

A

Tama

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.

A

SULATING PANANALIKSIK

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.

A

Constantino at Zafra

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin

A

Galero-Tejero

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho.

A

pananaliksik

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.

A

OBHETIBO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.

17
Q

Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan

A

NAPAPANAHON O MAIUUGNAY SA KASALUKUYAN

18
Q

Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at na-obserbahan ng mananaliksik.

19
Q

Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.

20
Q

Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.

A

MASINOP, MALINIS, AT TUMUTUGON
SA PAMANTAYAN

21
Q

Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.

22
Q

KATANGIAN NG
ISANG MANANALIKSIK

A

Matiyaga, Mapamaraan, Maingat, Analitikal, Kritikal, Matapat, Responsable

23
Q

ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik

24
Q

Mga paalala

A
  • INTERESADO,
  • MAHALAGANG MAGING BAGO O NAIIBA,
  • MAY MAPAGKUKUNAN NG SAPAT AT MALAWAK NA IMPORMASYON,
  • MAAARING MATAPOS SA TAKDANG PANAHONG NAKALAAN,
25
Mga hakbang
1. Alamin ang layunin 2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa 3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya 4. Pagbuo ng tentatibong paksa 5. Paglilimita sa paksa
26
Tatlong paglilimita
- Malawak o Pangkalahatang Paksa - Nilimitahang Paksa - Lalo Pang Nilimitahang Paksa
27
ay tumutukoy sa sistenatiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistika, at mga teknik na gumagamit ng kompyutasyon. Kadalasang ginagamitan din ito ngmga nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyo, at pagsusuring estadistikal.
kwantitatibong pananaliksik
28
ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Layuning magpakita ng malinaw at detalyadong salaysay ng karanasan ng tao.
kwalitatibong pananaliksik
29
Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan, at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral. Maaaring maging kongkreto o abstrakto ang deskripsiyon sa ganitong uri ng pananaliksik.
DESKRIPTIBO
30
Kaiba sa deskriptibong pananaliksik, inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan.
DISENYONG AKSYON
31
ay gumagamit ng iba't ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensiya, pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay, at ang pinagdaanang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan. Maiiging gamitin ang historikal na disenyo upang maglatag ng konteksto ng isang tiyak na bagay o pangyayari. Nagagamit din ito sa pagsusuri ng kalakaran o trend analysis.
historikal na pananaliksik
32
ay naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa. Madalas na gamitin ang ganitong uri ng disenyo sa mga cross-national na pag-aaral upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura, at institusyon.
komparatibong pananaliksik
33
naglalayon itong maglarawan ng anumang paksa. Gayunpaman naiiba ang disenyong ito sapagkat hindi lamang simpleng deskripsiyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-diin ito sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan. Madalas na bahagi ng ganitong pananaliksik ang proyekto o pagpaplano upang makasapat o makasunod sa hinihinging batayan ng sinumang kalahok sa pananaliksik.
PAMAMARAANG NAKABATAY SA PAMANTAYAN
34
Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba't ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito. Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, kultura, at iba pa. Nangangailangan ito ng matapat na pag-uulat ng naranasan ng isang mananaliksik.
ETNOGRAPIKAL NA PAG-AARAL
35
Isinasagawa ang disenyong _______ kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaaring magbigay-daan sa mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaaring magbigay-daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik. Layunin nitong makapagtalaga ng mga bagong ideya at palagay o kaya ay makabuo ng mga tentatibong teorya o hypothesis tungo sa mas malalim na pagkaunawa sa paksa
DISENYONG EKSPLORATORI