Aralin 4 Flashcards
(37 cards)
Ito ay sumasalamin sa mga pangyayari sa buhay ng
tao na inilalapat sa mga akda at lathalaing makabuluhan.
Panitikan
‘Di lingid sa ating kaalaman na nakatutulong ito upang maipahayag ang ating saloobin at damdamin, maibahagi ang mga komposisyon mula sa ating malawak na imahinasyon at
maaaring karanasan na mapulot sa iba’t ibang sitwasyon.
Panitikan
Lubusang pinapalawak nito ang ating kaisipan, dito’y nahahasa ang gamit natin sa mga salita, naibubulalas ang pagiging makata at naipapakita ang pagiging malikhain.
Panitikan
Ito ay tumutukoy sa
layuning iparating ng awtor, kanyang saloobin at maging
kanyang mga imahinasyon.
Teorya
Ito ay isang uri ng kritisismong pampanitikan na sumisiyasat sa pinagmulan ng isang sinaunang panitikan o teksto para maunawaan ang daigdig sa likod ng tekstong ito.
Historikal
Isang pagsusuri hinggil sa mga naunang mga akdang pampanitikan kung papaano nasulat ang mga ito.
Historikal
Ito ay ginagamit upang siyasatin ang mga pinagmulang historikal ng teksto gaya ng panahon ng pagkakasulat nito, lugar kung saan ito isinulat, mga pinagkuhaan
nito, mga pangyayaring nakapaligid dito at mga petsa, mga taong sangkot dito, bagay, kultura na binanggit, o pinahihiwatig sa teksto.
Historikal
Layunin ng akdang ito na ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog.
Historikal
Nais din nitong ipakita ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ang mundo.
Historikal
Ang pagsasanib ng pwersang pangkapaligiran at panlipunan ang nagpapalutang sa akda tulad ng sitwasyong politikal, mga tunay na pangyayaring nasaksihan o nabatid ng manunulat, at maging ang mismong talambuhay ng may-akda.
Historikal
Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao. Dahil dito, ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran. Naniniwala ang mga kritiko na ang panitikan ay hindi hiwalay sa lipunan.
Sosyolohikal
Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang namamagitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning panlipunan.
Sosyolohikal
Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang nagiging pangunahing paksa rito.
Sosyolohikal
Sa pananaw na ito, malaki ang gampanin ng lipunan sa pagbuo
ng akda.
Sosyolohikal
Karamihan sa mga danas at ganap na nakapaloob sa teksto ng isang manunulat ay hinugot niya sa kanyang personal na karanasan sa kanyang lipunang ginagalawan.
Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Formalismo
Samakatuwid, kung ano
ang sinasabi ng may-akda sa kaniyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa - walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
Formalismo
Ito ay tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito.
Formalismo
Iniiwasan nito ang pagtalakay ng mga elementong labas sa teksto tulad ng histori, politika, at talambuhay.
Formalismo
Itinuturing na isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na nakasentro sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektibong pananaw na pagbabago ng lipunan.
Marxismo
Sumasalamin sa katayuan ng mga ordinaryong mamamayan sa
lipunan kung saan may pagnanais na makaalis sa kasalukuyan nilang
katayuan.
Marxismo
Kaya sa pananaw na ito, mahalaga ang paggawa at pakikisangkot ng mga tauhan para mabago ang takbo o kalakaran ng isang lipunan.
Marxismo
Kinikilala ito bilang isang agham na nagsusuri sa pag-uugali at
kamalayan ng tao.
Sikolohikal
Ito rin ang siyentipikong pag-aaral ng pag-iisip ng tao na nakaaapekto sa kilos; mental na katangian o aktitud ng isang tao o pangkat.
Sikolohikal