Filipino Flashcards
(46 cards)
KATANGIAN NG BALITA
Kawastuhan
Katimbangan
Makatotohanan
Kaiklian
KAHALAGAHAN NG BALITA
- Nagbibigay-impormasyon
- Nagtuturo
- Lumilibang
- Nakapagpapabago
Ito ay bago pa lamang nangyari o
maaaring matagal nang nangyari ngunit ngayon
lamang natuklasan.
Kapanahunan -
Mas interesado ang mga tagapakinig o
mambabasa na malaman ang nangyayari sa kanilang
paligid opamayanan kaysa sa malalayong lugar
Kalapitan -
Tumutukoy sa pagiging prominente
Kabantugan -
Mga pangyayaring di
karaniwan
Kakatwahan o Kaibahan -
pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o
ng tao laban sa kaniyang sarili.
Tunggalian -
pangyayaring nakapupukaw
sa iba’t-ibang uri ng emosyon ng tao: pag-ibig, poot
,simpatiya, inggit at iba pa.
Makataong Kawilihan -
Tinatalakay dito
hindi lamang ang buhay pag-ibig; pakikipagsapalaran
din ng mga ordinaryong tao
Romansa at Pakikipagsapalaran -
Anumang pagbabago at
kaunlarang nangyayari sa pamayanan
Pagbabago at Kaunlaran -
Halimbawa nito ay ang mga
ulat ukol sa pananalapi, resulta ng eleksyon at iba pa.
Bilang o Estadistika -
Tumutukoy sa mga pangalang
nasasangkot sa balita tulad ng mga nakapasa sa mga
board examinations.
Pangalan -
Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay
ng Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo sa
pamamagitan ng artipisyal inseminasyon.
Hayop -
Kapag nagkaroon ng malakas na bagyo,
lindol, pag- putok ngbulkan at iba pa,
Kalamidad -
ISTILO NG BALITA
Tuwirang Balita - Diretsahan ang pagkahanay ng
mga datos
Pabalitang Lathalain - Hindi diretsahan ang
paglalahad ng datos
Lokal na Balita Kung ang kinasasaklawan ng
pangyayari ay sa pamayanang kinabibilangan
Balitang Pang-ibang Bansa
LUGAR NA PINANGYARIHAN
Pang-agham at teknolohiya
Pangkaunlarang komunikasyon
Pang-isports o pampalakasan
NILALAMAN
Ang manunulat / mambabalita ay naroon mismo sa
lugar na pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.
Batay sa aksyon
Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga talang
nakalap mula sa talaan ng pulisya, ospital at iba pang
ahensya.
Batay sa Tala
Kung ang pinagkukunan ng datos ay ang talumpati ng
mga kilalang tao.
Batay sa Talumpati
Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng
pakikipanayam sa mga taong sangkot o may alam sa
pangyayari
Batay sa pakikipanayam
kawilihan Karaniwang maiikling balita
tungkol sa tao, bagay, hayop na umaantig sa damdamin ng
mambabasa.
Balitang pamukaw-
Nagpapaunawa sa mambabasa
tungkol sa dahilan, saligan, katauhan, katauhanng mga
pangunahing sangkot at kahalagahan ng isang pangyayari.
Balitang nagpapakahulugan
Sinasagot nito ang mga tanong na Ano?, Sino?,
Saan?, Kailan?, Bakit? at Paano?
- balita ay inilalahad sa baligtad napiramide
Kombensyonal o Kabuuurang Pamatnubay