Finals Flashcards
(151 cards)
Bahagi ng mga akademikong gawain mula
pa sa mga unang taon ng pag-aaral ay ang
paglikha ng ________. Kasabay ng paglago sa
antas ng kaalaman ng mga mag-aaral ay ang
pagyabong din ng mga paksa at kaalamang
nagiging bahagi ng kanilang naisusulat sa
_________.
komposisyon
pinakapayak na paraan ng
pagsulat.
komposisyon
Ang pagsulat ng mga natatanging
karanasan, pagbibigay interpretasyon sa
mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa
mga nabasang akda o napanood na
pagtatanghal ay nagagawa sa
pamamagitan ng pagsulat nito.
Komposisyon
Walang pag-aalinlangang masasabi na ang
pagsulat ay isang aktibong gawain. Hindi basta na
lamang nangyayari. Nasasangkot ito ng marubdob na
partisipasyon at imersyon na proseso. Ang imersyong ito
sa pagsulat ay kadalasang:
- Solitari at Kolaboratibo
- Pisikal at Mental
- Konsyus at Sabkonsyus
Ayon sa kanya, ang proseso ng pagsulat ay
kinasasangkutan ng ilang lebel ng gawain na
nagaganap nang daglian at maaaring kaugnay o
kasalungat ng bawat isa.
W. Ross Winterowd (1985)
ginagamit dito ang pisikal na kakayahan ng
manunulat.
Pisikal
isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya
ayon sa isang tiyak na metodo na debelopment at
patern ng organisasyon at sa isang istilo ng
grammar na naayon sa mga isinusulat ng isang tao.
Mental
malayang gawain kung saan ang isang
manunulat ay patuloy-tuloy na sumusulat ng walang
pagtatangi sa spelling, grammar o paksa ng kanyang
isinusulat at hindi gumagawa ng pagwawasto.
Konsyus
Ito ay
isang paraan upang makaipon ng mga pangunahing
ideya para sa isang paksa at tungkol ito sa
paghahanda sa proseso ng pag-iisip.
Konsyus
Sa pagsusulat, ang mga salita ay maaring
nanggaling mula sa konsyus na kaisipan.
Gayunpaman, sa pagsusulat, ang mga salita ay
maaaring patuloy na lumalabas mula sa iyong
kaisipan ngunit sa isang pagkakataon ay daglian
itong mahihinto.
Writer’s block
Isang screenwriting instructor ang
nagsabing,
“ang pagkamalikhain ay
nagmumula sa _______ na kaisipan”
sabkonsyus
Ang hindi alam ng karamihan ay halos
lahat ng proseso sa pag-iisip ay ginagawa ng
ating _____ na kaisipan.
sabkonsyus
Ang iyong
konsyus na kaisipan ay ang tumatanggap ng
mga _____ sa pamamagitan ng paningin,
panlasa, pandinig, pang-amoy at pandama.
stimulus
Pagkatapos, sisimulan ang proseso sa
pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa
sabkonsyus na kaisipan. Kapag ang isang tao ay
nagsimulang sumulat, maaring iniisip niya na ang
lahat ng mga salitang kanyang isinusulat ay
nagmumula sa konsyus na kaisipan.
Totoo ba ito?
Hindi
Dahil ang totoo,
nagmumula ang mga ito sa sabkonsyus na kaisipan.
pagsulat ay maaaring maging gawaing pang-
isahan. Maraming bagay ang maaring makagulo sa
pagsulat, kaya naman siya ay dapat mapag-isa,
walang sagabal at walang aspeto na makagugulo sa
kanyang pag-iisipi upang matapos niya ang isinusulat.
Solitari
tumutukoy sa mga oroyekto kung saan sa
halip na paisa-isa ay sama-samang
gumagawa ng liha ang mga manunulat.
Kolaboratib
Ayon sa kanya, na ang pagsulat ay
isang eksplorasyon pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa
porma at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa
bawat panahon ng kanyang matuklasan kung ano ang
kanyang isusulat at kung paano niya iyon
maipapahayag nang episyente.
Donald Murray (2003)
Idinagdag pa niya na ang
pagsulat ay isang prosesong rekarsibo o
paulit-ulit. Writing is rewriting, wika niya
Donald Murray (2003)
Ayon sa kanya, na I am a demon on the subject of revision. I
revise, revise, revise until every word is what I
want.
Ben Lucian Burman
Ang komposisyon ay binubuo ng mga ________.
talata
Mahalagang malaman, kung gayon, kung ano
ang talata at uri ng katangian nito para sa
epektibong pagsulat ng komposisyon.
Ito ay binubuo ng isang pangungusap o
lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang
bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang-diwa.
Talata
Ang mga ______ ay karaniwang isinusulat sa
talatang iisahing pangungusap. Makakatagpo rin ng
mga talatang iisahing pangungusap sa maikling
kuwento.
balita
Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa
ikalawang talata ng komposisyon. Layunin nito ang
ilahad ang paksa ng komposisyon. Sinasabi rito kung ano
ang ipinaliliwanag, ang isasalaysay, ang ilalarawan o
bibigyang katuwiran.
Panimulang Talata
Kung maikli ang komposisyon, ito’y isa lamang
maikling talata rin. Subalit kung mahaba ang akda,
maari itong buuin ng mahigit
isang talata.
Panimulang Talata