group 6 Flashcards
(25 cards)
Isang Pilipinong artista, aktibista, kilalang bihasa sa teatro at isang magaling na guro at impluwensyador na ilang beses nakulong noong panahon ng batas militar sa Pilipinas.
Benjamin “Behn” Cervantes
Ito ay may layuning magbigay kasiyahan, manghikayat at magpakilos ng mga tao upang magkaroon ng kalutasan ang mga suliranin ng pamayanan at ng buong bansa.
Street Theater/ Dulang Panlangsangan
Ito ay kadalasang tradisyonal na pagtatanghal ng dula dahil nangangailangan ito ng mga konbensyonal na mga kagamitan: tanghalan, kuwento o banghay, props, at diyalogo.
Tanghalang Bayan
Sino-sino ang namuno sa Tanghalang Bayan at parehong taga- Tondo?
Anton Juan at Levi Balgos de la Cruz
Ito ay isang dula na nagsasalaysay at naglalarawan ng isang pangkat ng mga manggagawang nasiraan na ng loob at upang makalimutan ang mga suliranin ay itinuon ang mga saliri sa paglalasing.
Welga
Ang mga uri ng dulang ito ay may layuning magbigay-kabatiran sa mga karapatan ng mga tao, ng mga eksploytasyon at pang-aaping kanilang naranasan,
Dulang Proletaryo
Si Cervantes ang naging direktor ng pelikulang ito na ipinalabas noong 1976 na pumapatungkol sa paghihirap ng mga magsasaka sa isang tubuhan.
Sakada
Sa anong panahon namumutiktik ang dulang proletaryo na itinatanghal sa mga lansangan.
Panahon ng Batas Militar
Sino ang nanguna sa pangkulturang organisasyon na Panday Sining?
Upsilon Brod Leo Rimando
Ito ang unang full length na proletaryong dula sa kasaysayan ng teatro sa Pilipinas. Isa ito sa apat na piyesang pang-teatro ng Panday Sining.
Welga! Welga!
Ang dulang ito na may layuning pagpapahayag ng pagtutol sa karahasang dinaranas ng masang Pilipino sa araw-araw. Ang mesa at silya ang naging simbolo sa pagtutol nito.
Barikada
Inilinaw sa dulang ito ang tunggalian ng dalawang kulturang umiiral sa lipunang Pilipino, ang kultura ng mga nagsasamantala at kultura ng mga pinagsasamantalahan.
Tambisan sa Sining
Isa sa mga dula ng Kamanyang Players na ang anyo nito ay sanaysay at hindi isang dula.
Alay sa Anak Pawis
Isang samahan na binuo ng mga mag-aaral at mga out-of-school-youth at naitatag noong huling taon ng dekadang animnapu.
Malayang Pagkakaisa ng mga Kabataang Pilipino (MPKP)
Siya ang nagtatag sa Bacolod ng pangkat na tinawag na “Katilingban Sa Katubuhan”.
Luisa Medel Reyes
Ito ay isang dulang radikal na nabuo mula sa improbisasyon at tumalakay sa mga suliranin ng mga taga-Bacolod noong 1971.
Singgit/ Sigaw
Sino ang sumulat sa isa sa mga sumikat na dula ng grupong Katubuhan sa Katilingban na “Kalbaryo”?
Roy Alisan
Sino ang sumulat ng dulang “Welga! Welga!” na tumatampok sa buhay ng mga manggagawa?
Bonifacio Ilagan
Isa itong samahan kung saan sumikat at nakilala ang dulang “Barikada”.
Gintong Silahis
Sino ang naging Presidente noong dekadang ’70 na umusbong sa panahong ito ang mga dulang proletaryo?
Ferdinand Marcos Sr
Ano ang unang dula na itinanghal nina Anton Juan at Levi Balgos de la Cruz?
Ang Paghihintay kay Andong
Anong taon naitanghal ng Tambisan sa Sining ang pangkulturang organisasyon ng manggagawa, ang unang dula ng Kilusang Paggawa?
1981
Saan unang itinanghal ang Kilusang Paggawa?
Camacho Stadium sa Pasig
Anong dula na inilarawan at isinalaysay ang iba’t ibang aspekto ng paggawa, agrikultura, industriya at propesyon sa papel ng isang manggagawa?
Pakikibaka