Impormatibo at Deskriptibo Flashcards
(18 cards)
ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t
ibang paksa tulad ng mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan o gawain, paglalakbay,
heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
Tekstong impormatibo
Di tulad ng ibang uri ng teksto, ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda
ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito
masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
Tekstong impormatibo
Halimbawa ng tekstong impormatibo
Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga
magasin, textbook, sa mga reference books tulad ng encyclopedia, gayundin sa mga iba’t ibang
website sa internet.
laging may nadadagdag na bagong
kaalaman o kaya’y napagyayaman ang dating kaalaman ng taong nagbabasa nito.
Tekstong impormatibo
ginagamit ng manunulat tulad ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi, pagbibigay-diin sa
mahahalagang talasalitaan, paglalagay ng larawang may paliwanag o caption, paggamit ng
dayagram.
tekstong impormatibo
Mga elemento ng tekstong impormatibo
layunin ng may-akda,
mahahalagang ideya, pantulong na detalye, mga kagamitan tulad ng larawan, talahanayan,
timeline, at mga epektibong talasalitaan.
ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit
kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng
larawan . Subalit sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat
upang mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan sa
tekstong deskriptibo
ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan o anumang bagay na nais niyang
mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
Pang-uri at pang-abay
APAT NA KASANGKAPAN SA MALINAW NA PAGLALARAWAN (Lorenzo et al, 1994)
Wika, maayos na mga detalye, pananaw ng naglalarawan, isang kabuuan o impresyon
tumutukoy sa angkop na pagpili ng mga salita at ang maingat na pagbuo ng
mga pangungusap.
Wika
may kinalaman sa masistemang pananaw ng paglalahad
ng mga bagay-bagay o katangian ng bagay, tao, pook, o pangyayaring inilalarawan.
maayos na mga detalye
tumutukoy sa karanasan at saloobin ng taong
naglalarawan.
pananaw ng naglalarawan
tungkol naman sa layuning makabuo ng malinaw na
larawan sa imahinasyon ng mambabasa o nakikinig.
Isang kabuuan o impresyon
Mga uri ng deskripsyon
Obhektibo at konkretong deskripsyon, subhektibo at malikhaing deksripsyon, teknikal na keskripsyon.
ng makatotohanang
ayos at anyo na bagay na inilalarawan sa pamamagitan ng mga tiyak na
impormasyon batay sa pisikal na katangian. Layunin nitong maibigay ang
karaniwang ayos at anyo ng inilalarawan ayon sa limang pandama: paningin,
pandinig, pang-amoy, pamalat at panlasa.
Obhektibo at konkretong deskripsyon
ay naghahatid ng buhay na
larawan ayon sa pagkakita at damdamin ng manunulat. Sa ganitong paraan
ay nagigising ang guniguni ng mambabasa.
- Binibigyang buhay ang paglalarawan batay sa pagmamasid, damdamin at
imahinasyon ng naglalarawan. Layunin nitong mapagalaw ang imahinasyon
ng mambabasa upang makita ang larawan ayon sa pandama, damdamin at
isipan ng naglalarawan. Ang paggamit ng mga tayutay at mga
matalinghagang pahayag ay nagpapaganda sa uri ng deskripsyong ito.
Subhektibo at malikhaing deskripsyon
ang mga grap o
ilustrasyong ispesipikong matutukoy ang mga katangian ng nais ipaliwanag.
Ang ganitong uri ang ginagamit sa mga panahong mahalaga ang akyurasi at
presisyon. Halimbawa nito ay ang anatomya ng katawan ng tao
Teknikal na deskripsyon
Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo:
Paglalarawan sa Pangyayari
Ang puno ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tinaga,
tinapyas, binali-bali. Pinagtutuklap ang puno. At sila’y nag-aagawan, nagtutulakan,
nagsasakitan na, nagsisipaan, nagkakabalian ng buto.
Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno; patuloy rin ang pagkaubos ng
katawan ng puno. Bumibigat na ang yumayabong at patuloy na tumataas na
puno.
Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay
Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay
parang laging may kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi
basta-basta palamuti, ‘yong mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang
sumunod na taon ay magagandang bulaklak naman ang binili ko. Maraming
pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas tri. “ Ang ganda!” Ang may
pagkamanghang sabi ng bawat nakakikita. Malalaki na pulang bola, malalaki at
magagandang pulang poinsettia…ah! Pero bakit ba tila may kulang pa rin?
Paglalarawan sa Tagpuan
Sa isang maliit na dampang nakatayo sa may tabi ng munting ilog na
tinatakbuhan ng malinis at malinaw na tubig nakatira sina Irene. Ang maliit na
dampang yaon ay nalilibiran ng isang bakurang sa loob ay may mga sari-saring
pananim na sa isang maayos na panulukan ay may malalagong sampagita na dahil sa
kagaanan di-umano ng kamay ng nag-aalaga ay kinapipitasan ng masaganang
bulaklak.