Kaharian ng Diyos Flashcards
(6 cards)
Awit 37:29
Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, At titira sila roon magpakailanman.
Daniel 2:44
“Sa panahon ng mga haring iyon, ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian na hindi mawawasak kailanman. At ang kahariang ito ay hindi ibibigay sa ibang bayan. Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng kahariang iyon, at ito lang ang mananatili magpakailanman,
Apocalipsis 21:3,4
Pagkatapos, narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono na nagsasabi: “Tingnan mo! Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at maninirahan siyang kasama nila, at sila ay magiging bayan niya. At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot. Ang dating mga bagay ay lumipas na.”
Roma 10:13
Dahil “ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas.”
Gawa 24:15
At umaasa ako, gaya rin ng mga taong ito, na bubuhaying muli ng Diyos ang mga matuwid at di-matuwid.
Mateo 6:9,10
“Manalangin kayo sa ganitong paraan: “‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang Kaharian mo. Mangyari nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayon din sa lupa.