Mga Prinsipyo Flashcards
(4 cards)
Mateo 6:33
“Kaya patuloy ninyong unahin ang Kaharian at ang katuwiran niya, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng ito.
Mateo 6:34
Huwag kayong mag-alala tungkol sa susunod na araw, dahil ang kasunod na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga álalahanín. Sapat na ang mga problema sa bawat araw.
Mateo 6:24
“Walang alipin ang makapaglilingkod sa dalawang panginoon; dahil alinman sa kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo puwedeng magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.
Mateo 6:19-21
“Huwag na kayong mag-imbak para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa lupa, kung saan may insekto at kalawang na naninira, at may masasamang tao na nagnanakaw. Sa halip, mag-imbak kayo para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, kung saan walang insekto o kalawang na naninira, at walang masasamang tao na nagnanakaw.Dahil kung nasaan ang kayamanan mo, naroon din ang puso mo.