KOM FIL BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO; Barayti at Register ng Wika Flashcards
(45 cards)
likas na salita o wikang kinagisnan. Ang wikang ito ay ang madalas na ginagamit natin sa loob ng ating tahanan lalo na sa pakikipag-usap sa ating mga pamilya o di naman kaya ay sa mga kaibigan.
Wikang Katutubo/ Inang Wika o Unang Wika
paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika. Mula sa partikular na rehiyon o probinsya na ating kinabibilangan tayo ay may sariling dayalektong ginagamit sa loob ng ating tahanan.
BILINGGWALISMO
isang penomenang pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks.
BILINGGWALISMO
Bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugan ito ng paggamit ng Ingles sa matematika at siyensya, Filipino sa agham panlipunan at iba pang kaugnay na larangan. Naging formal ang lahat nang ipatupad ng National Board of Education taong 1973 ang
DO. No. 25 s. 1974 na may pamagat na “Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education”.
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung nagagamit niya ang ikalawang wika nang ______
matatas sa lahat ng pagkakataon.
Ayon kay _______ Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng dalawang magkaibang wika na ginagamit ng isang indibiduwal.
Leonard Bloomfield (1935)
Inilarawan niya ang bilingguwalismo bilang pangunahing yugto ng pagkakaroon ng kontak ng dalawang wika.
Richard Diebold
Ayon sa kanya ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng ____________________ sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika.
John Macnamara (1967); pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat
Ayon sa kanya, ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.
Uriel Weinreich (1953)
MGA OPINYON O KURU-KURO AT PALIWANAG NG KARAMIHAN KUNG BAKIT NAGKAKAROON NG BILINGGUWAL (5)
- Pagkakalapit ng isang lugar o komunidad
- Pangkasaysayang mga salik
- Migrasyon
- Relihiyon
- Publiko/Internasyonal na Pakikipag- Ugnayan
MGA TEORYA NG WIKA NI CUMMINS (5)
- Balance Theory
- Common Underlying Proficiency
- Threshold Theory
- Linguistic Interdependence Hypothesis
- Developmental Interdependence Hypothesis
sumusuporta sa pagtingin ng isang pananaliksik sa IQ at literary attainment na nagsabing ang mga bilingguwal ay mas mababa kaysa mga monolingguwal.
Balance Theory
Ito ay ibinatay sa maling palagay na ang paglinang ng pangalawang wika ay sanhi sa pagbawas at kakulangan ng kaalaman sa unang wika.
Balance Theory
Sa teoryang ito, ang bilingguwalismo ay tinitingnan bilang timbangan; ang pagkatuto ng pangalawang wika ay may masamang epekto sa pag-unlad ng unang wika.
Balance Theory
Teorya na nagsabing kapag gumagamit ng dalawa o higit pang mga wika, ang mga ideya ay nagmumula sa isang karaniwang pinagkukunan.
Common Underlying Proficiency
Teorya na nagsabing ang mga indibidwal ay maaaring makagamit ng dalawa o higit pang mga wika na may parehong kahusayan.
Common Underlying Proficiency
(Teorya)Ang cognitive functioning ay maaaring mapagana sa pamamagitan ng mga monolingual o plurilingual na tsanel o midyum.
Common Underlying Proficiency
(Teorya) Ang wikang ginagamit ng mag-aaral ay dapat malinang upang maiproseso ang mga hamong pangkaalaman sa silid-aralan.
Common Underlying Proficiency
(Teorya) Ang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat sa L1 o L2 ay tumutulong sa pagpapaunlad ng sistemang pangkognitibo sa pangkalahatan. Ang negatibong saloobin at ang limitadong antas ng kakayahan sa L2 ay may negatibong epekto sa akademikong performans ng isang mag-aaral.
Common Underlying Proficiency
Naglalarawan ng kaugnayan sa pagitan ng katalusan at antas ng bilingguwalismo. Sa pagiging bilingguwal ng mga estudyante, mas malaki ang posibilidad na makakuha sila ng mga kognitibong pakinabang.
Threshold Theory
Ang kagalingan sa L2 ay nakasalalay sa antas ng kakayahan na nakuha sa L1. Ang kaalaman sa antas ng pag-unlad sa L1 ay nakatulong upang mas mapadali ang pagbuo ng L2.
Linguistic Interdependence Hypothesis
Nagpapahiwatig na ang kakayahan ng pangalawang wika ng bata ay bahagyang umaasa sa antas ng kakayahan na nakamit sa unang wika
Developmental Interdependence Hypothesis
Ayon sa teoryang ito, kung mas binuo ang unang wika, mas madali itong bumuo ng pangalawang wika Kapag ang unang wika ay nasa mababang antas ng ebolusyon, mas mahirap ang tagumpay ng bilingguwalismo.
Developmental Interdependence Hypothesis
Tinatayang may humigit kumulang 180 na umiiral na wika, hindi kataka-takang maging __________ ang nakararaming populasyon
multilingguwal