LESSON 1 Flashcards
Ang kauna-unahang pormal na kilusang pangwika sa ating bansa
Nagsimula noong 1899 nang gawing wikang opisyal ng himagsikan ang Tagalog sa bisa ng Saligang-Batas ng Biak-na-Bato.
Ang wikang umiiral sa Pilipinas na umaabot sa ________
mahigit 170 kasama na ang mga diyalektonito ay kabilang sa Pamilyang Austronesian o Malayo Polynesian.
Marunong na ring bumasa at sumulat ang mga Katutubo. Ang paraan ng kanilang pagsulat ay tinatawag na
Baybayin
Pormal na nagsimula ang pananakop ng Espanya sa Pilipinas noong
1565
pormal na magtatag ng pamayanan o kolonya si _____________ at nagtapos ito noong 10 Disyembre
Miguel Lopez de Legaspi
Nagtapos ito noong ____________ sa bisa ng _____________.
10 Disyembre 1898; Tratado ng Paris. (Treaty of Paris)
Apat na pangunahing dahilan ang mga Espanyol kung bakit nila pinagaralan ang mga wika sa Pilipinas tulad ng:
- Pagpapatatag sa kapit sa kapangyarihan o pagpapanatili sa kanila ang pamahalaan.
- Dahil sa paglakas ng kilusang liberal sa Espanya, nasuri ng mga Prayle na higit na mabuti para sa kanila kung hindi matututo ng Kastila ang mga Filipino at hindi makapagpapahayag ang mga ito sa pamahalaan.
- Ang kaalaman sa wikang Kastila ay makahihikayat ng pag-aalsa sa panig ng mamamayan sapagkat maunawaan nila ang mga batas ng pamahalaan
- Malakas ang paniniwala ng mga Prayle sa superyoridad ng kanilang lahi at ang pagkatuto ng Kastila ng mga Filipino ay mangangahulugan ng pagpantay ng mga ito sa kanila.
Ipinag-utos ng Hari ng Kastila (nina ___________, ____________, at _________) na ituro sa mga paaralan ang wikang Espanyol
Gobernador Tello (1956), Haring Carlo I (1550), at Haring Felipe II (1634)
Ngunit sa halip na ituro ang wika ay pinag-aralan ng mga prayle ang mga wika at kawikain sa Pilipinas upang maiwasan ang paghihimagsik laban sa kanila. Nailimbag ang dasalang aklat na ______________
Doctrina Christiana lengua espanola tagala (1593)
Nakapagsulatdin ang mga Kastila ng ______ at __________ ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas.
diksyonaryo at aklat panggramatika
Unang nagkaroon ng banggit hinggil sa kasaysayan ng wikang pambansa nang hirangin ang Tagalog bilang opisyal na wika ng pamahalaang rebolusyonaryo sa anong batas?
Saligang Batas ng Biak na Bato noong 1897.
Subalit hindi pa man nagtatagal sa kinaluluklukang pedestal nahalinhan agad ito ng wikang Espanyol sa anong batas?
Saligang Batas ng Malolos noong 1899.
Matatandaang matagumpay na nahimok ni __________ ang sambayanan na makiisa sa mithiin ng Katipunan sa pamamagitan ng wikang Tagalog.
Gat. Andres Bonifacio
Pinagtibay ang ___(Anong batas)___________ ay ginawang opisyal na wika ang ______________
Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899; Tagalog
isinaad sa konstitusyon na ang paggamit ng wikang Tagalog ay
opsiyonal
Ipinadala ang mga tagapagturong Amerikano–ang mga _________
Thomasites
Mabilis na ipinatupad ng Philippine Commission ang ____________ na nag-aatas ng paggamit ng Ingles bilang wikang panturo o midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan sa Pilipinas.
Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Marso, 1901
Mga Dahilan ng Pagtataguyod ng Wikang Ingles
- Malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang maging wikang pambansa.
- Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa.
- Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.
- Ang Ingles ay mayaman sakatawagang pansining at pang-agham.
- Yamang andito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito
Mga Dahilan ng Pagtataguyod ng Wikang Bernakular
- Walumpong porsyento ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang ikalimang grado lang
- Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primarya.
- Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas, marapat lamang na Tagalog ito sapagkat isang porsiyento ng mga bata ang hindi natatanggap sa paaralang pambayan taon-taon.
- Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin
- Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo.
- Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular
- Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.
- Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular
Naramdaman ni Pangulong _____________ ang mahigpit na pangangailangang magkaroon ang Pilipinas ng isang wikang pambansa
Manuel L. Quezon
Sa pagsisikap ni Kongresista Wenceslao Vinzon ay nagkaroon ng probisyon sa ___________ na pormal na nag-aatas sa Kongreso na gumawa ng kinakailangang mga hakbang hinggil sa pagkakaroon ng wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.
Wenceslao Vinzon ; Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3
Nilikha ng Batasang Pambansa ang ________________ na nagsasaad ng opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-___________________
Batas Komonwelt Blg. 184 ; 13 ng Nobyembre, 1936.
Napili nila ang _________ bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa .
Tagalog
Ito angsimula ng pagsasarili ng Pilipinas.
Hulyo 4, 1946