LESSON 4: PAGSULAT NG PANGULONG TUDLING O EDITORYAL Flashcards

1
Q
  1. Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.
  2. Isang pinag-aralang kuro-kuro batay sa isang tunay na pangyayari.
  3. Isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri o tumutuligsa tungkol sa kahalagahan ng isang pangyayari.
  4. Bagama’t ang pangulong tudling ay sinulat ng isang kasapi lamang, ito’y paninindigan ng buong pamatnugutan at ng pahayagan.
A

PANGULONG TUDLING O EDITORYAL

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Uri ng Pangulong Tudling

Ipinaalam ang isang pangyayari sa layuning mabigyan-diin ang kahalagahang iyon o mabigyang linaw ang ilang kalituhang bunga ng pangyayari. Hindi hayagang nagbibigay ng pasya o kuro-kuro. Hindi ito tumutuligsa, hindi ito nakikipagtalo.

A

PANGULONG TUDLING NA NAGPAPABATID (EDITORIAL OF INFORMATION)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Uri ng Pangulong Tudling

Nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng isang pangyayaring napabalita o ng isang kasalukuyang ideya, kalagayan o katayuan. Dito binibigyan ng katuturan ang mga isyu at ipinapakita ang mga taong may kaugnayan sa pangyayari at ng kanilang layunin. Kung minsan, ito’y nagbibigay mungkahi tungkol sa maaaring kahihinatnan.

A

PANGULONG TUDLING NA NAGPAPAKAHULUGAN (EDITORIAL OF INTERPRETATION)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Uri ng Pangulong Tudling

Bagamat nagbibigay rin ng impormasyon at interlretasyon ang editoryal na ito, ang tanging layunin ay ang hikayatin ang mambabasa upang pumanig sa kanyang ideya o paniniwala.

A

PANGULONG TUDLING NA NAKIKIPAGTALO (EDITORIAL OF ARGUMENTATION)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Uri ng Pangulong Tudling

Ito’y hawig sa pangulong tudling na nakikipagtalo. Subalit dito, kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang katangian ng isang isyu. Tinatalakay niya ang magkabilang lanig sa kabila ng katotohanang ipinagtatanggol niya ang isa sa mga ito.

A

PANGULONG TUDLING NA NAMUMUNA (EDITORIAL OF CRITICISM)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Uri ng Pangulong Tudling

Ito’y nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo at namumuna. Subalit ang binigyang diin ay ang mabisang panghihikayat.

A

PANGULONG TUDLING NA NANGHIHIKAYAT (EDITORIAL OF PERSUASION)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Uri ng Pangulong Tudling

Pumupuri ng isang taong may kahanga-hangang nagawa; nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang taong namayapa, na may nagawang pambihirang kabutihan o sa isang bayani sa araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.

A

PANGULONG TUDLING NA NAGPAPARAMGAL O NAGBIBIGAY-PURI (EDITORIAL OF APPRECIATION, COMMENDATION, OR TRIBUTE)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Uri ng Pangulong Tudling

Bagamat ang uring ito ay may kalakip ding pagpapakahulugan, ito’y may ibinubukod bilang isang tanging uri. Dito ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon tulad ng Pasko, Araw ng Kalayaan, Araw ng mga Bayani, Buwan ng Wika, Linggo ng Pag-iiwas sa Sunog.

A

PANGULONG TUDLING NA NAGPAPAHAYAG NG NATATANGING ARAW (EDITORIAL OF SPECIAL OCCASION)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Uri ng Pangulong Tudling

Ang uring ito ay hindi karaniwang sinusulat, at bihirang malathala sa mga pahinang pang-editoryal. Dahilan sa ang layunin ay makalibang, ito’y sinusulat sa paraang di-pormal, masaya, kung minsa’y sentimental at karaniwang maikli lamang.

A

PANGULONG TUDLING NA PANLIBANG (EDITORIAL OF ENTERTAINMENT)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Uri ng Pangulong Tudling

Pambihira ring isinusulat ito. Kalimitan ang pinapaksa ay kalikasan. Nagpapahayag ito ng pilosopiya. Hindi nakikipagtalo; hindi nagpapaliwanag.

A

PANGULONG TUDLING NA NAGSASAAD NG PANAGANO (MOOD EDITORIAL)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Uri ng Pangulong Tudling

ito’y sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba’t ibang paaralan at kanilang sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang pahayagan.

A

PANGULONG TUDLING NA BAKASAN (POOLED EDITORIAL)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Uri ng Pangulong Tudling

Ang layner ay isang pangungusap o isang talatang tumatalakay sa isang napapanahong pangyayari o balita at nasusulat sa paraang masaya, mapanukso, o di-pormal, batay sa kung ano ang hinihingi ng paksa. Ito’y nalalagay sa katapusan ng tudling pang-editoryal. Kung minsa’y hindi ito sarili ng sumulat, kundi pangungusap ng isang dakilang tao.

A

PANGULONG TUDLING NA BATAY SA TAHASANG SABI (EDITORIAL LINER)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

isang pitak na naglalaman ng kuru-kuro; ideya, opinyon o paninindigan ng manunudling (columnist) sa isang paraang kawili-wili tungkol sa iba’t ibang paksa.

Sariling opinyon ito ng manunudling, di tulad ng pangulong tudling na opinyon o paninindigan ng buong patnugutan.

A

KURO-KURONG TUDLING

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

isang palagiang lathalain sa pahayagan na nagtataglay ng palagiang pamagat (kagaya ng Point of Order ni Joe Guevarra) at kadalasang hindi nagbabago ng lugar sa pahina sa bawat isyu.

A

TUDLING/KOLUM O PITAK

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly