Midterm Flashcards
(93 cards)
isang anyo ng diskors na may layuning magpaliwanag, magbigay ng impormasyon, magturo, at magbigay-aliw sa isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
Paglalahad
Dapat maunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag.
Kalinawan
Dapat na nakatuon lamang sa paksang tinatalakay.
Katiyakan
Kailangang may kaugnayan ang lahat ng bahagi ng talata o pangungusap at may kinalaman sa bagay na pinag-uusapan.
Kaugnayan
Dapat na may wastong pagpapaliwanag sa pagtatalakay at pagbibigay-punto sa paksa.
Diin
Mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito magpapasya ang mambabasa o tagapakinig kung ipagpapatuloy ang pagbabasa o pakikinig sa katha. Nagsisilbi itong pangganyak.
Panimula
Pamamaraan o estilo sa panimula ng paglalahad
Tanong
Sipi o halaw sa isang kilalang saknong ng tula o awit, maaari ring mula sa kasabihan o salawikain
Siniping pahayag ng kilalang tao
Makatawag-pansing pangungusap
*Sinisimulan sa isang suliranin
Dito inihahanay ang lahat ng impormasyon at pagpapaliwanag. Sa bahaging ito inihahain ang nilalaman ng pahayag.
Katawan
Dito nag-iiwan ng mahalagang mensahe o hamon sa mga mambabasa o tagapakinig. Maaari itong buod, tanong, panghuhula sa maaaring mangyari, pagsariwa sa suliraning binanggit sa simula, paggamit ng kasabihan o siping angkop sa akda.
Wakas
Napalilinaw nito ang pag-unawa sa kahalagahan ng isang bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.
Pagbibigay-katuturan
Nagtuturo ito ng pamamaraan sa paggawa ng isang bagay tulad ng pagsunod sa isang recipe o paraan ng pagbuo ng isang proyekto.
Pagbibigay-panuto
Nagpapahayag ng opinyon o palagay ang editor ng isang pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu.
Pangulong-tudling/Editoryal
Ito ay anyo ng panitikang naglalahad ng kuru-kuro, pananaw, paniniwala, at damdamin ng manunulat na hango sa kaniyang karanasan at sa inaakalang palagay niya sa katotohanan.
Sanaysay
Naglalaman ito ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa. Maaaring pumapaksa sa pangkalusugan, pampolitikal, pang-ekonomiya, panrelihiyon, at iba pang kaganapan.
Balita
Karaniwang makikita ito sa mga pahayagan o magasin. Naglalaman ito ng mga reaksyon, kuro-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaring nagaganap sa kaniyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag din itong kolum.
Pitak
Paglilista ito ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan.
Tala
Ito ay paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan, o nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita, o naranasan.
Ulat
anomang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang propesyonal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pampagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga temang pampanitikan.
Malikhaing pagsulat
Ito ay paraan ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay-impormasyon at kaalamang nakabatay sa mga pananaliksik. Halimbawa nito ay ang pagsulat ng teksbuk at ulat tungkol sa isang pangkasaysayang pananaliksik.
Reperensiyal na pagsulat
Ito ay tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyong komersyal o teknikal. Walang pagtatangka ang anyong ito ng pagsulat na pukawin ang damdamin ng mga tao. Ilang halimbawa nito ay ang pagsulat ng manwal sa pagbubuo ng kompyuter, cell phone,o resipi sa pagluluto, at ulat-panlaboratoryo.
Teknikal na Pagsulat
Ito ang tawag sa pagsulat ng balita. Saklaw rin nito ang pagsulat ng editoryal, kolum, anunsiyo, at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin. Kasama rito ang pagtatasa, paglikha, at presentasyon ng balita at impormasyon.
Journalistik na pagsulat
Layunin ng pagsulat na ito ang makapaglahad ng kabuuang proseso hanggang sa resulta ng mga pananaliksik at pagsusuri. Halimbawa nito ang pamanahong papel, tesis, at disertasyon.
Akademikong pagsulat
Kaiba sa mga naunang anyo ng pagsulat, ito ay mas lumalapit sa damdamin ng mga mambabasa. Halimbawa nito ang pagsulat ng tula, maikling kuwento, nobela, at dula.
Malikhaing Pagsulat
ay hindi lamang isinulat upang magpabatid, kundi lalo pa nitong pinalalawak ang balita at impormasyon sa pamamagitan ng kawili-wiling pamamaraan
Lathalain