Module 3 Flashcards
(28 cards)
Samantala, sa nakagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay naipapakita gamit ang kilos o galaw ng katawan gaya ng mga sumusunod:
- Pagtatampo
- Pagmumukmok
- Pagmamaktol
- Pagdadabog
Ito ay damdaming dala ng pagkabigo.
Pagtatampo
Ito ay pagsasawalang kibo at pag-iisa.
Pagmumukmok
Ito ay pabulong-bulong o pagrereklamo.
Pagmamaktol
Ito ay pagpadyak ng paa at paghagis ng gamit.
Pagdadabog
Saan nanggaling ang salitang tsismis?
chismes
Ano ang kahulugan ng chismes?
kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang tao
Ayon kay _______________ ng Know College, nilinaw niya na ang tsismis ay hindi palaging negatibo. Ito ay positibo rin. Katunayan, binanggit niyang hindi talaga maiiwasan ang ganitong gawain sapagkat batay sa mga pag-aaral, ito ay likas at normal na bahagi ng buhay ng tao.
Dr. Frank McAndrew (2008)
Ito ay isang gawaing pangkomunikasyon na kinabibilangan ng dalawa o higit pang kalahok kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan ng impormasyon.
Umpukan
Ito ay isang silungan kung saan ang mga Marikenyo , partikular na ang mga matatanda ay magkakasamang nagkukwentuhan, nagsasalo-salo at namamahinga.
Salamyaan
Ayon sa pag-aaral ni ___________, ang salamyaan
ay isang silungan kung saan ang mga Marikenyo , partikular na ang mga matatanda ay magkakasamang nagkukwentuhan, nagsasalo-salo at namamahinga.
Petras (2010)
Ito ay tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga kalahok sa nasabing usapan na binubuo ng tatlo o higit pang katao.
Talakayan
Halimabawa ng Pormal na talakayan.
- Panel Discussion
- Simposyum
- Lecture-forum
Ito ay isang pormat na ginagamit sa isang pulong , o kumbersasyon kung saan nagpapalitan ng ideya ang mga tagapagsalita sa harap ng awdyens.
Panel Discussion
Ito ay isang uri ng pormal na akademikong pagtitipon kung saan ang mga kalahok ay pawang eksperto sa kani-kanilang larangan.
Simposyum
Ito ay isang anyo ng forum na isinasagawa upang magbigay ng lecture sa isang espisipikong paksa.
Lecture-forum
Kalimitan itong ginagawa sa mga sitwasyong nangangailangan ng impormasyon ang isang indibidwal o organisasyon ukol sa kalagayan o sitwasyon ng komunidad gamit ang pagtatanong-tanong bilang metodo.
Pagbabahay-bahay
Ito ay isinasagawa ng publiko at mga kinauukulan.
Pulong-bayan
Ito ay isang pangkomunikasyong Pilipino na isinasagawa kung may nais ipabatid ang mga kinauukulan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng komunidad.
Pulong-bayan
Ito ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin gaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapalam sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.
Ekspresyong lokal
Ayon sa paglalarawan nina _________________, ang mga ekspresyong lokay ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin gaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapalam sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.
San Juan, et al. (2018)
Saan nanggaling ang salitang Susmaryosep?
Hesus, Maria, at Joseph
Saan nanggaling ang salitang Bahala na?
Bathala na!
Ginagamit kung walang masabing tiyak na sagot o umiiwas magsabi ng salitang maaaring makapanakit sa timog katagalugan.
Ewan ko!