PROSESO NG PAGBASA Flashcards
(13 cards)
Ang _______ ay proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangan tingnan at suriin upang maunawaan.
pagbasa
Sa tuwing nagbabasa tayo, ang simbolo o imahe ay mga liwanag na tumatama sa ______ ng ating mata.
retina
Nagkakaroon ng mga pagbabagong kemikal na dumadaloy sa ating mga ugat patungo sa _______________, ang sentro ng ating utak na nagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa mga simbolo
cerebral cortex
Kung minsan ay napapatitig ang ating mga mata upang kilalanin at intindihin ang teksto. Ang pagtitig na ito ay tinatawag na ________.
fixation
Kung gumagalaw ang ating mata mula kaliwa pakanan o mula itaas pababa na karaniwang nangyayari habang tayo’y nagbabasa at tinatawag namang ______________.
inter fixation
Gumagalaw rin ang mga mata mula sa simula ng binabasa hanggang sa dulo ng teksto na tinatawag namang _____________.
return sweeps
Kung minsan din ay kailangang balik-balikan at suriin ang ating binabasa. Ang paggalaw ng mga mata para gawin ito ay tinatawag na __________.
Regression
Proseso ng pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na salita o simbolo at kakayahang mabigkas ang tunog ng mga titik na bumubuo sa bawat salita.
Pagkilala
Ito ang proseso ng pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
Pag-unawa
Ito ang proseso ng pagpapasiya o paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng teksto, pagpapahalaga sa mensahe nito, at pagdama sa kahulugan nito.
Reaksiyon
Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kaniyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay
Pag-uugnay
Ang ______ ay isang sangay sa disiplina ng lingguwistika na sumusuri kung paanong ang mga salitang nakapaloob sa isang pahayag ay nagkakaugnay-ugnay.
syntax
Nagsasabing ang pag-unawa sa ating binasa ay nag-uumpisa sa isang pang-engganyo mula sa labas tulad ng mga salita, pangungusap, larawan, dayagram, teksto, at iba pang simbolo. Ang mga ito ang nasa IBABA ng proseso (bottom) at nakararating sa itaas o sa ating utak (up), matapos maproseso sa tulong ng mata at utak.
Teoryang Bottom-Up/Teoryang Ibaba-Pataas