TEKSTONG IMPORMATIBO, DESKRIPTIBO, NANGHIHIKAYAT, NARATIBO, ARGUMENTATIBO, AT PROSIDYURAL Flashcards
(34 cards)
Ito ay mga halimbawa ng tekstong ___________:
- mga sangguniang aklat (ensayklopediya, almanak, batayang aklat, at dyornal)
- ulat
- pananaliksik
- artikulo
- komentaryo
- polyeto o brochure
- suring-papel
- sanaysay
- mungkahing proyekto
- balita
IMPORMATIBO
Ito ay mga elemento ng tekstong ___________:
- kahulugan - pagsusuri
- sanhi at bunga - pag-iisa-isa
- paghahambing - suliranin at solusyon
IMPORMATIBO
- Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
- Malinaw bang naipakita sa teksto ang layunin ng may-akda na makapagpaliwanag o magbigay ng impormasyon?
- Anong impormasyo ang nais ipaalam ng may-akda sa mambabasa?
Layuning ng may-akda (Tekstong Impormatibo)
- Tungkol saan ang teksto?
- Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
- Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?
Hulwarang organisasyon (Tekstong Impormatibo)
- Gumagamit ba ng mga salita o terminolohiya na di-karaniwang ginagamit sa normal na pakikipag-usap at ginagamit lamang sa mga teknikal na usapin? Ano-ano ito?
- Matapos mabasa ang teksto, naibigay ba nito ang kahulugan ng mga ginagamit na di-kilalang salita o terminolohiya?
- Ano-anong impormasyon kaugnay ng mga terminolohiyang ito ang tinalakay sa teksto?
Talasalitaan (Tekstong Impormatibo)
- Bagong kaalaman o impormasyon ba ang ibinahagi ng teksto?
- Kung oo, sapat ba ang mga suportang detalye na tumatalakay sa bagong kaalamang ito?
- Nabanggit ba sa teksto ang mga pinagkuhanan ng ideya o impormasyon?
- Mula ba sa kilala at magpagkakatiwalaang materyal ang mga nakasaad na impormasyon?
- Kaya bang mapatunayan kung gaano katotoo ang impormasyong nakasaad sa teksto?
Kredibilidad ng mga impormasyong nakasaad sa teksto (Tekstong Impormatibo)
Ang ____________________ ay may layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, paninawala, at iba pa.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang: tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, at katulad.
(Ex. Kasingningning ng mga bituin ang iyong mga mata.)
SIMILI o PAGTUTULAD
Tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan ng mga salitang naghahayag ng pagkakatulad.
(Ex. Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib)
METAPORA o PAGWAWANGIS
Tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.
(Ex. Masayang sumasayaw ang mga dahon sa saliw ng hangin.)
PERSONIPIKASYON o PAGSASATAO
Tumutukoy sa eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan.
(Ex. Sa sobrang init ng panahon, pakiramdam ko’y matutunaw na ako!)
HAYPERBOLI o PAGMAMALABIS
Tumutukoy sa paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito.
(Ex, Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan.)
ONOMATOPEYA o PAGHIHIMIG
Umapela o mapukaw ang damdamin ng mambasa upang makuha ang SIMPATYA nito at mahikayat na umayon sa ideya inilalahad.
(Ex. talumpati, mga patalastas)
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT
Ang _____ ay isang paraan ng panghihikayat na nakabatay sa kredibilidad, karakter, o reputasyon ng isang nagsasalita o manunulat. Ipinapakita nito na ang tagapagsalita ay may sapat na kaalaman, karanasan, o mabuting ugali upang pagkatiwalaan ng kanyang tagapakinig.
(Ex. “Bilang isang doktor na may dalawampung taong karanasan, inirerekomenda ko ang gamot na ito para sa mabilis na paggaling.”)
ethos
Ang _____ ay isang paraan ng panghihikayat na nakabatay sa lohika, katwiran, at ebidensya. Ginagamit dito ang mga datos, istatistika, at makatwirang paliwanag upang kumbinsihin ang tagapakinig o mambabasa.
(Ex. Ayon sa isang pag-aaral, 90% ng mga taong regular na nag-eehersisyo ay may mas mababang tsansa ng pagkakaroon ng sakit sa puso.)
logos
Ang ______ ay isang paraan ng panghihikayat na nakabatay sa emosyon. Ginagamit ito upang pukawin ang damdamin ng tagapakinig o mambabasa, gaya ng awa, tuwa, galit, o lungkot, upang sila ay mahikayat.
(Ex. “Habang tayo ay nag-eenjoy ng masasarap na pagkain, milyon-milyong bata ang natutulog na walang laman ang tiyan. Tumulong tayo ngayon.”)
Pathos
Layunin ng _________________ na magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
Ex.
- maikling kuwento, nobela, mito, - balita
kuwentong-bayan, alamat, at - report tungkol sa
parabula nabasang libro/nobela
- talambuhay - rebyu ng pelikula, aklat, o
palabas - paglalakbay - buod ng kuwento
tekstong naratibo
Ang _______ ay ang istruktura o balangkas ng isang kwento. Ito ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula hanggang sa katapusan ng isang naratibo.
banghay
Ang _______ ay ang lugar at panahon kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang kwento, dula, o akda. Mahalaga ito sapagkat nakakatulong ito sa paglikha ng tamang atmospera at pagpapalalim ng kwento.
tagpuan
Ang ______ ay ang mga karakter o personalidad sa isang kwento, dula, o anumang akdang pampanitikan. Sila ang nagbibigay-buhay sa istorya sa pamamagitan ng kanilang mga kilos, pananalita, at damdamin.
tauhan
Ang __________ ay ang labanan o hidwaan sa isang kwento na nagpapalakas sa banghay at nagdadala ng tensyon sa mga pangyayari. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagsubok ang mga tauhan.
Ex.
i. Tao laban sa Tao
ii. Tao laban sa Sarili
iii. Tao laban sa Kalikasan
iv. Tao laban sa Lipunan
v. Tao laban sa Tadhana/Supernatural
suliranin/tunggalian
Ang ________ ay ang palitan ng usapan sa pagitan ng dalawa o higit pang tauhan sa isang kwento, dula, pelikula, o kahit sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay isang mahalagang elemento ng panitikan at sining dahil nagbibigay ito ng realismo, emosyon, at lalim sa mga karakter.
diyalogo
Ang ______________________ ay isang uri ng sulatin na naglalayong manghikayat o mangumbinsi gamit ang lohikal na pangangatwiran at matibay na ebidensya. Layunin nitong ipagtanggol ang isang panig ng isyu o ipakita kung bakit mas katanggap-tanggap ang isang pananaw kaysa sa iba.
(Ex. tesis, posisyong papel, papel na pananaliksik, editoryal, petisyon)
tekstong argumentatibo
Ang ____________________ ay isang uri ng maling pangangatwiran (fallacy) kung saan sa halip na talakayin ang argumento, direktang inaatake ang personalidad o pagkatao ng isang tao upang pahinain ang kanyang kredibilidad.
(Ex. “Hindi natin dapat paniwalaan ang sinasabi niya tungkol sa pulitika. Kaibigan niya kasi ang isang tiwaling opisyal.”)
Argumentum ad Hominem (Argumento laban sa karakter)