Quiz 2 Flashcards
(50 cards)
Ano ang kahulugan ng “Heograpiya”?
Pag-aaral ng mga pisikal na katangian ng daigdig at relasyon ng tao sa kapaligiran.
Ano ang pinagmulan ng salitang “Heograpiya”?
Griyego – “geo” (mundo) + “graphia” (sumulat o gumuhit).
Ano ang kahulugan ng “Kultura”?
Kabuuan ng pananaw, kaugalian, paniniwala, at tradisyon ng isang lipunan.
Ano ang pangunahing layunin ng kultura?
Tumukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga tao.
Ano ang ibig sabihin ng “Kabuhayan”?
Kalipunan ng mga gawain kaugnay sa produkto at serbisyo.
Paano umaasa ang mga tao sa kapaligiran para sa kabuhayan?
Kumuha ng likas na yaman para sa araw-araw na pangangailangan
Ano ang hanapbuhay ng mga nasa kagubatan?
Pagmimina at pagtotroso.
Ano ang hanapbuhay ng mga nasa kapatagan?
Pagsasaka
Ano ang hanapbuhay ng mga nasa tabi ng ilog o dagat?
Pangingisda at kalakalan.
Ano ang kaugnayan ng likas na yaman sa kabuhayan ng tao?
Pinagkukunan ng ikinabubuhay tulad ng kahoy, prutas, isda, at ginto.
Ano ang Ilaya?
Mataas na lugar tulad ng bundok o bulubundukin.
Ano ang pangunahing hanapbuhay sa Ilaya?
Pagsasaka
Anong pananim ang karaniwan sa Ilaya?
Palay, mais, gulay.
Anong kaugalian ng mga taga-Ilaya ang nagpapakita ng koneksyon sa kalikasan?
Maingat na paggamit ng likas na yaman at tradisyonal na kaalaman sa pagsasaka.
Anong materyales ang ginagamit ng mga taga-Ilaya sa paggawa ng bahay?
Lokal na materyales.
Ano ang Ilawod?
Mababang lugar malapit sa ilog o dalampasigan.
Ano ang pangunahing kabuhayan sa Ilawod?
Pangingisda at kalakalan.
Ano ang kontribusyon ng yamang-dagat sa Ilawod?
Pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan at kalakal.
Paano naaapektuhan ng kalakalan ang kultura sa Ilawod?
Nagiging bukas sa bagong ideya at kaugalian.
Ano ang epekto ng kalakalan sa pamumuhay sa Ilawod?
Mas maunlad at mas bukas sa panlabas na impluwensya.
Ano ang ibig sabihin ng salitang “Igorot”?
“Nakatira sa bundok” (mula sa “golot” + unlaping “I”).
Saan matatagpuan ang mga Igorot?
Rehiyon ng Cordillera sa Hilagang Luzon.
Anong lalawigan kabilang sa mga Igorot?
Benguet, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Apayao, Abra.
Ano ang pangunahing hanapbuhay ng Igorot?
Pagsasaka sa hagdang-hagdang palayan.