Talumpati Flashcards
(20 cards)
Ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa?
TALUMPATI
4 na Uri ng Talumpati
- Biglaang Talumpati
- Maluwag
- Manuskrito
- Isinaulong Talumpati
Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda?
Biglaang Talumpati (Impromptu)
Sa talumpating ito, binibigyan ang mananalumpati ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag?
Maluwag (Extemporaneous)
Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat?
Manuskrito
Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig?
Isinaulong Talumpati
Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin
- Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
2.Talumpating Panlibang - Talumpating Pampasigla
- Talumpating Panghikayat
- Talumpati ng Pagbibigay-galang
- Talumpati ng Papuri
Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari?
Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kaya naman sa pagsulat nito, kailangang lahukan ito ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan sa paksang tinatalakay?
Talumpating Panlibang
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Sa pagsulat nito, tiyaking ang nilalaman nito ay makapukaw at makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao?
Talumpating Pampasigla
Pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay -katwiran at mga patunay?
Talumpating Panghikayat
Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon?
Talumpati ng Pagbibigay-galang
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan?
Talumpati ng Papuri
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati
A. Uri ng mga Tagapakinig
B. Tema o Paksang Tatalakayin
C.Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati
Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati, mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan, at interes ng kanyang magiging tagapakinig.
Uri ng mga Tagapakinig
Ayon kay _________ sa kanilang aklat na ‘Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan’, ang ilan sa dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang mga sumusunod
Lorenzo et al. (2002)
Dapat Mabatid ng Mananalumpati sa kanyang mga Tagapakinig
- Ang edad o gulang ng mga makikinig
- Ang bilang ng mga makikinig
- Kasarian
- Edukasyon
- Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig
Mahalagang alamin ang edad o gulang ng nakararami sa mga tagapakinig.
Ang edad o gulang ng mga makikinig
Importante ring malaman kung ilan ang mga taong makikinig sa talumpati. Mapaghahandaan nang husto ang talumpati kung batid ang dami ng makikinig.
Ang bilang ng mga makikinig
Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan. Nagkakaroon din ng magkaibang pananaw ang dalawa hinghil sa isang partikular na paksa.
Kasarian