Week 3 Flashcards
pagbabagong hugis sa buhay na ipinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga may sukat na taludtod
tula
Tumutukoy ito sa kategorya ng elemento ng tula na higit na nakatuon sa aspetong pisikal ng sulatin
Panlabas na Elemento
Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod (Panlabas na Elemento)
sukat
Ito ay ang pagkakapareho ng tunog at diin ng mga huling pantig sa huling salita sa bawat taludtod (Panlabas na Elemento)
tugma
Tumutukoy ito sa bahagyang pagtigil habang binibigkas ang isang tula (Panlabas na Elemento)
sensura
Tumutukoy ito sa linya ng mga pahayag sa tula na kapag pinagsama-sama ay makabubuo ng iisang kaisipang makabuluhan (Panlabas na Elemento)
taludtod
Ito ay ang ibang katawagan sa saknong ng tula na nagtataglay ng mga taludtod na may iisang kaisipan (Panlabas na Elemento)
estopa
ay tumutukoy sa saltik ng dila sa pagbigkas ng salita
pantig
wawaluhin, lalabindalawahin, labing- animan, labingwaluhin (Uri ng sukat)
tradisyunal
malayang taludturan (uri ng sukat)
makabago
ang sensura ay ginagamitan ito ng palihis na linya (/) bilang palatandaan ng _______ na paghinto
saglit
ang sensura rin ay ginagamitan ng dalawang palihis na linya (//) ang ginagamit kapag tuldok para maipakita na ang paghinto ay _______
mas matagal
2 linya (Isa sa walong uri ng estropa)
kopla
3 linya (Isa sa walong uri ng estropa)
terseto
4 linya (Isa sa walong uri ng estropa)
kwarteto
5 linya(Isa sa walong uri ng estropa)
kinteto
6 linya (Isa sa walong uri ng estropa)
sinteto
7 linya (Isa sa walong uri ng estropa)
septeto
8 linya (Isa sa walong uri ng estropa)
octavo
14 na linya (Isa sa walong uri ng estropa)
soneto
pinakagamiting estropa ay ang ____
kwarteto
ang estropang madalas na naiuugnay sa mga karunungang bayan ay ______
kopla
Ito ang kategorya ng elemento ng tula na nakatuon sa paraan ng pagbigkas at nilalaman nito
Panloob na Elemento
Tumutukoy ito sa emosyon na nararamdaman ng sinomang bumibigkas o bumabasa ng isang tula salig na rin sa nais ipahayag ng may-akda (Panloob na Elemento)
damdamin