YUNIT 1 Flashcards
(61 cards)
Mula sa probisyon ng ________ batay sa isang wika ang wikang pambansa
KONSTITUSYON NG 1935
ang naging batayan nito ayon naman sa Executive Order 134 na pinirmahan ni Pang. Manuel L. Quezon noong 30 Disyembre 1937.
TAGALOG
Tinawag itong _________ noong 1959,batay sa Department Order No. 7 ni Sek. Romero ng Department of Education.
PILIPINO
Sa sumunod na pagbabago ng Konstitusyon, noong 1973, Nilinaw naman at pinatibayan ito na tatawaging __________ sa Konstitusyon ng 1987.
FILIPINO
___________ ang pangunahing dahilan ng pagbabago ng
wikang pambansa.
POLITIKAL
“isang idea o abstraktong prinsipyo kaugnay ng isang partikular na
paksa o pananaw sa paksa”
KONSEPTO
“isang pahayag na nagpapaliwanag ng kahulugan ng salita o
ekspresyon.”
DEPINISYON
Ang ______________ ay isang wikang nagagamit ng dalawang taong
magkaiba ang unang wika.
LINGUA FRANCA
Noong 1931 ang ______________ mula sa mga wika sa Pilipinas ang matagal nang isyu mula pa noong panahon ng
Amerikano.
PAGBUO NG WIKANG PAMBANSA
Ang huli ang nagbunsod sa mga delegado ng 1973 at 1987 Constitutional Convention para ______________.
BAGUHIN ANG WIKANG PAMBANSA
Tinitingnan ng ilang mga lingguwista at sosyolingguwistang Filipino na __________________ ang pagbabago sa wikang Pambansa.
Kung gayon, sosyo-sikolohikal, e.g atityud sa wika, ang resulta ng pagbabago.
KONSEPTUWAL (HORIZONTAL)
Ang batayan ng pagbabago, mula raw sa Tagalog, lumaganap at umunlad ito sa pagdaan ng panahon.
HISTORIKAL (VERTICAL)
Sa pag-aaral ng mga lingguwista, tinatanggap na _____________________ ng lahat ng katutubong wika ng Pilipinas ay magkakahawig
HALOS KALAHATI NG BOKABULARYO
Malaki ang naging ____________ (radyo, TV, print, kasama ang mga pelikula) para ipalaganap ang pinagtibay na wikang pambansang Filipino batay sa Tagalog.
PAPEL NG MASS MEDIA
Gayundin, isa itong ______________ ng mga Filipino sa dahilang may kani-kanilang mga katutubong unang wika
PANGALAWANG WIKA
Sa sosyolingguwistika, tinatawag na ______________ ang
nangyayaring epekto ng unang wika sa pangalawang wika sa oras
na ginamit ito, lalo nang pasalita
INTERFERENCE
nagkakaroon ng interferens ang unang wika. Dahil dito, nagkakaroon din ng _______________ o pagsasalitan ng estruktura ng katutubong wika (unang wika) at lingua franca
CODESWITCHING
Noong _______ang paniniwala ng naunang panahon na ang wika ay isang biyayang nagmumula sa langit, mula sa Diyos.
SIGLO 17
Ayon sa mga empirisista at rasyonalista na ang wika ay ______________________ ng tao para maging paraan ng paglipat ng mga kaalaman.
INIMBENTO AT PINAUNLAD
Ang wika ay nagpapahayag ng _____________ ng mga tao na bumubuo sa lipunan/komunidad.
ESPIRITU/KALULUWA
Ang lipunan naman na nangangailangan ng pakikisalamuha
______________ at ugnayan ____________ ng mga tao, ay nagiging
komplikado habang lumalaki at lumalawak ang progreso.
(INTEGRASYON) AT (INTERDEPENDENCE)
Tumutungo ang bagay na ito sa nagkakaiba-iba sa kultura at wika na ayon kay Rousseau (1950) ay siyang _____________ ng mga tao
PANUKAT SA PROGRESO
Ang mga dikotomiyang ito ang dahilan naman para kumapit-tuko ang mga tagapagsalita ng mga di-istandard na wika sa __________________
TEORYA/TESIS NG BABEL
Dito isinilang ang idea ng ______________ ng mga rasyonalista
na pinangunanan ng Port-Royale School
LANGUAGE UNIVERSAL