Yunit 3 Flashcards
(18 cards)
Ang wikang pambansa ang wikang higit na makapagbibigay-tinig at kapangyarihan sa mga tagawalis, drayber, tindero/a at iba pang ordinaryong mamamayan ng bansa na gumagamit nito. Ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa kaalaman at makapag-aalis sa agwat na namamagitan sa mga intelektwal at sa masa.
Gimenez Maceda (1997)
Ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na Pilipino, wikang lilikha at huhubog ng mga Pilipinong may tiwala sa sariling kakayahan, wikang makapagpapaunlad sa sariling paraan ng pag-iisip, hindi gaya ng wikang dayuhan na kapag ipinilit at binigyang prayoridad ay magiging sagabal sa pag-iisip, kaya’t ang pag-iisip ay nababansot o nababaog at magbubunga naman ng kulturang bansot.
Constantino (2015)
Sa espasyo ng sariling wika at panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang Pilipino. Hindi dapat magbunga ang globalisasyon ng panibagong pagkaalipin para sa sambayanan.
Bienvenido Lumbera
Limang hakbang na dapat isakatuparan sa ikauunlad ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino:
Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba.
Magbuo ng pambansang arkibo
Magdevelop ng mapagkakatiwalaang translation software
Bigyang prayoridad ang Filipinisasyon
magtayo ng Departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas
narcis.nl
Netherlands at diva
portal.org
Sweden
Filipino Bilang Larangan
Philippine Studies
Araling Pilipinas
Araling Pilipino
Araling Filipino
Filipinolohiya
Dalawang Antas ng Pagpaplanong Pangwika
Antas Makro
Antas Maykro
Mandatoring asignaturang Filipino sa Kolehiyo
Antas Makro
Implementasyon ng asignaturang Filipino sa bawat unibersidad
Antas Maykro
Nagbibigay-pansin sa mga tiyak na gamit mula sa wika ng pagkatuto sa mga akademikong gawain at/o intelektwalisasyon, wikang opisyal ng pamahalaan, negosyo at iba pang panlipunang institusyon
Istatus ng Pagpaplanong Pangwika
Pagbubuo/ pagbabago/ pamimili ng mga porma o kowd na ginagamit sa pagpapahayag ng oral o nakasulat (ispeling, paglikha o pagbuo ng salita)
Korpus ng Pagpaplanong
Pangwika
Pagpapalaganap ng wika at epekto sa gumagamit ng wika
Akwisisyong Pangwika
I-cite ang pananaliksik ng kapwa Filipino. Babasahin ba ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino mismo?
Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba
Sa pamamagitan nito, makatitiyak na madaling mababasa at maipalalaganap sa buong bansa at sa iba pang mga bansa ang mga pananaliksik ng mga Pilipino.
Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik
libreng magagamit para sa mga mass translation projects.
Magdevelop ng mapagkakatiwalaang translation software
lalong mataas na edukasyon at ng mga programang gradwado
Bigyang prayoridad ang Filipinisasyon
Atasan ang lahat ng mga unibersidad
magtayo ng Departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas