Yunit 5 Flashcards
(82 cards)
- Ito ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga
impormasyon o karunungan na kailangan ng tao
para sa isang partikular na paksa o asignatura. - Kasama rito ang pagbabahagi ng mga kritikal na impormasyon, kasaysayan, mga teorya, at ibapa.
Lektyur o Lecture
Ayon kay ________, ang lektyur o lecture ay isang paraan ng pagtalakay
na ginagawa sa pamamagitan ng walang tigil na pagsasalita ng dalubguro.
Bligh (1972)
Ngunit sa mas detalyado na depinisyon nina ______________ , ito raw ay isang pamamaraan ng pagtuturo (didactic instructional method) na kinakasangkutan ng linyar na komunikasyon mula sa aktibong tagapagsalita tungo sa mga pasibong tagatanggap ng impormasyon.
Percival at Ellington (1988)
Isa sa mga hamon sa pag gamit ng ______ ay ang mahikayat ang mga magaaral o tagapakinig na makibahagi sa talakayan.
lektyur
Kasama ng pagunlad ng teknolohiya ay ang pagunlad sa paraan ng panayam o lecture karaniwang estratehiya sa larangan ng mga pagtalakay. Sina __________________ ay nagsagawa ng pagaaral hinggil dito kung saan ang mga respondente ay binigyan ng pagkakataon ng kompletuhin ang modyul sa pamamagitan ng maiksing online videos live panayam o ang kombinasyon ng dalawa
Howard, Meehan at Parnell (2018)
Isa sa mga hamon sa panggamit ng lektyur o lecture ay ang manghikayat ang mga magaaral o ang mga tagapakinig na makibahagi sa pagtatalakayan. Ito ay isang palaisipan sa pagaaral ni _____ kung saan sya ay gumamit ng lektyur o lecture na gamit ang videos.
Choi
Bukod sa paggamit ng videos at mga makabagong teknolohiya sa pagpapatupad ng gawain lektyur o lecture ang isang indibidwal, ay maari ring gumamit ng ________.
tanong sagot
Si ________ ay nagsagawa ng ebalwasyon sa mga magaaral hinggil sa kanilang mga naging karanasan sa sistemang tanong sagot gamit ang mobile devices sa isang lecture-based na kurso
Hatun Atas (2018)
Lumabas sa pagaaral nina _________________ na ang lektyur o lecture ay pinahahalagahan ng mga magaaral sa kanilang pagkatuto kasama ng iba pang metodolohiya sa pagtuturo.
Bates, Curtis at Dismore (2018)
Sa pagaaral nina _________ kanilang natuklasan na mula sa bivariate na pagsusuri lumabas sa pagaaral na ang lahat ng di makaipag-iisang baryabol ay may positibong
impluwensya sa epektibong pagtuturo batay sa pananaw ng mga magaaral subalit kapag ginamit na ang multiple regression na pagsusuri tanging ang mga lektyur at
teaching centered approach ang lumalabas na ,may positibong kaugnayan sa epektibong pagtuturo.
Rosie et al (2009)
Sina ___________ ay nagsagawa ng hambingan pagaaral sa pagiging epektibo ng paggamit ng estratehiya na nakatuon sa mga magaaral (student-centered instructional approach) at ng tradisyonal na lektyur o lecture based format upang mahikayat ang mga magaaral na maging mahusay sa larangan ng transformed electrical circuit na kung saan dalawang daan at apatnaput tatlong na magaaral na nakiisa o nakibahagi bilang respondent.
Russel, atbp (2017)
Ang lektyur o lecture ay maaaring magbigay ng mga sumusunod na adbentahe:
(1) Madaling pagkakalantad sa mga bagong kagamitan:
(2) Mataas na antas ng kontrol ng dalubguro sa klase;
(3) Kahali-halinang pormat na tugma upang pangasiwaan ang isang napaka- laking pangkat ng mga tagapakinig o manunood;
Sa kabilang dako, ang lektyur o lecture ay maaari ring magdulot ng hindi magandang adbentahe katulad ng mga sumusunod:
(1) Inilalagay nito ang mga mag-aaral sa sitwasyon na pasibo ang pamamaraan ng kanilang magiging partisipasyon sa proseso ng komunikasyon;
(2) Isa lamang ang dakuyan o one-way ang proseso ng komunikasyon;
(3) Ang pagtalakay ay nakasalalay sa kasanayan o kahusayan ng tagapanayan (lecturer) sa kanyang isasagawang pagtalakay.
Mga Mahalagang Salik sa Pagbuo ng Lektyur o Lecture
Mahalagang isaalang-alang ng lektyurer sa
pagbuo ng kanyang lektyur ang mga sumusunod:
(1) Layunin;
(2) Nilalaman at istruktura;
(3) Mahahalagang kakanyahan ng isasagawang panayam o lecture
Mga Mahalagang Salik sa Pagbuo ng Lektyur o Lecture
Ang bawat panayam ay kailangan na magkaroon ng kakanyahang makatutulong sa kakintalan para sa mga partisipant. Maaaring isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagsasakatuparan nito:
(1) Mahalaga na pagtuunan ng pansin ng lektyurer ang panimula at ang wakas na bahagi ng kanyang pagtalakay. Ang panimula ang siyang magtatalaga ng mood at sa bahaging ito ay maipapaalala sa mga partisipant kung ano ang layunin, nilalaman, at istruktura ng isasagawang panayam.
(2) Ang paggamit ng angkop na katulong na biswal (visual aids) ay mahalaga rin
upang magkaroon ng kalinawan ang isasagawang pagtalakay na esensyal para sa maayos na komprehensyon o pag-unawa ng mga partisipant sa lektyur o lecture.
(3) Mahalaga na matutunan ng nagsasagawa ng lektyur na makapagbalik-tanaw sa mga
unang pagtalakay (recapitulation) upang makasigurado na higit na mauunawaan ng kanyang mga partsipant ang isasagawang pagtalakay.
(4) Bagamat ang lektyur o lecture ay may kakanyahan na ang mga partisipant at ginagawang pasibo o mga tagapakinig lamang, marami ang mga pag-aaral na makapagpapatunay na maaari namang gawing aktibo ang mga partisipant sa ganitong uri ng talakay. Sinasabi pa nga na higit na makasisigurado sa pagkatuto kung ang mga partisipant ay aktibo kumpara sa kung ang mga ito ay pasibo.
(5) Ang magsasagawa ng lektyur ay kailangang magkaroon ng inobasyon para sa aktibong partisipasyon ng kanyang mga partisipant. Maaari siyang gumamit ng alinman subalit hindi limitado sa mga sumusunod: video clips, powerpoint presentation, pagkukuwento, paggamit ng sipi, pagbibigay ng mga katanungan.
Mga Mungkahi sa Epektibong Lektyur o Lecture
Inilahad sa https://teachingcommons.stanford.edu/resources and isang talaan upang maging epektibo ang lektyur o lecture.
1) Pagkakaroon ng kahandaaan
2) Pagkakaroon ng pokus
3) Pakikilahok ng mga tagapanood o tagapakinig
4) Pagkuha ng komento o feedback
●Ang pagkakaroon ng layunin sa isasagawang pagtalakay ay isa sa mga dapat isaalang- alang sa paggawa ng lektyur o lecture.
● Ito ang magbibigay direksyon at magdidikta sa mga gawain na dapat matutunan ng mga kasali sa lektyur o lecture.
● Ang pagbuo ng balangkas at mga audiovisuals ay higit na nakatutulong
mapukaw ang interes o makuha ang atensyon sa isinasagawang lektyur o lecture.
● Makakatulong ang ibayong paghahanda kung sakali man ang magsasagawa ng lektyur ay madalas kabahan matutulungan na labanan ang takot o kaba.
Pagkakaroon ng Kahandaan
Pagkakaroon ng Pokus
Ang pagkakaroon ng pokus ay malaking tulong upang maisakatuparan ang gagawing
lektyur o lecture.
Mapagtatagumpayan ang layuning ito kung isasaalang-alang ang mga susunod na
mungkahi:
1) Pagbibigay ng lima o mababa pang putos ng pagtalakay sa lektyur o lecture.
2) Pagsasagawa ng masining na biswal na gabay at mga halimbawa upang bigyan ng diin ang mga puntos na tinatalakay
3) Ang pamamahagi ng balangkas sa mga mag-aaral o partisipant ng lektyur ay makakatulong rin sa makabuluhang pagtatalakay
4) Pagbigay diin sa layunin at mahalagang puntos sa panimula ng pagtalakay at maging
pagbubuod nito.
Mahalaga na ang mga tagapakinig o
tagapanood ay uuwi may natutunan
sa nagsasagawa ng panayam o
lecture. Dito malalaman na naging
makabuluhan ang pagtatalakay at
kanyang napagtagumpayan ang
pagbibigay impormasyon sa mga
partisipant, manonood o tagapakinig.
Pakikilahok ng Tagapanood o
Tagapakinig
Ang pagkuha ng ___________ galing sa mga partisipant ay mahalaga rin upang mapagkuhanan ng mga detalye na kanilang
natutunan sa talakayan o lektyur na naisagawa ng tagapaghatid. Dito malalaman kung ano ang mga nais nilang idagdag o nais pang matutunan.
komento o feedback
Nararapat na isama sa paghahanda ng worksyap ang __________. Upang mapukaw ang ang higit na interes sa mga partisipant. Dito makikita na labis na handa ang tagapagsalita na magbigay ng mahahalagang impormasyon sa talakayan.
biswal o visual aids
Ang mga sumusunod ay ilang lamang gabay na maaaring makatulong sa implementasyon ng plano:
1) Ang pangangasiwa ay higit na makakabuting gamitin sa worksyap sa halip na magturo. Ang tinatawag na worksyap ay pagbibigay ng awtput sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagsalita.
2) Pagkakaroon ng konsistensi ng presentasyon at paksa ng worksya. Hindi dapat lumayo ang dalawang mahalagang salik na ito sa isa’t isa.
3) Direktang pagsangkot sa mga partisipant. Tungkulin ng tagapangasiwa na gawing
aktibo ang mga kalahok sa gawaing ito sa pamamagitan ng maayos na disenyo ng
worksyap at implementasyon nito.
4) Paglalagay ng baryasyon sa mga nakahanay na gawain para sa worksyap.
Isang pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na kung saan ang mga partisipant ay mga paham (iskolar) o eksperto sa kani-kanilang larangan.
Simposyum (Simposium)
Tinatalakay ng mga eksperto o paham ang kanilang mga opinyon o pananaw sa partikular na paksa ng pagtalakay.
Karaniwan na nagkakaroon ng pagtatalakayan matapos na ang tagapagsalita ay makapagbahagi na ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang talumpati.
Simposyum (Simposium)